Pages

Wednesday, June 1, 2011

From the Holy Mass - Sufferings (and My Stand on RH Bill)

Date: 29 May 2011
Saint of the day: St. Cyril of Caesarea
Occasion: 6th Sunday of Easter
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

god? Pictures, Images and Photos

Ito ang Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus. Bumungad agad sa akin ang mensaheng malapit na ang Kanyang pagbabalik sa Diyos Ama. Ngunit, bago po Siya babalik ay nais Niyang pagtibayin ang ating paniniwala at pananalig sa Mahal na Panginoon.


Bago po ang lahat ay nais ko po munang pasalamatan ang Panginoong Diyos sapagkat kahit na ano ang mangyari ay nakahahanap po talaga ako ng magandang pwesto sa simbahan. Ibig ko pong sabihin ay nakakaupo po ako sa kabila ng napakaraming mga taong nakatayo. Gayundin po, nagpapasalamat po ako sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi po ako nakaramdam ng pagkaantok. Sa katunayan, ako po'y hindi humikab sa pagsisimbang ito. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag ang pagpunta sa simbahan ay lubos na pinaghandaan.


Napakahusay ng paring nagpalaganap ng mabuting balita ng Panginoon. Naunawaan kong lubos ang mensaheng nais niyang iparating sa mga tao.


Sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo, "If you love me, you will keep my commandments. And I will ask the Father, and he will give you another Advocate, to be with you forever. This is the Spirit of truth, whom the world cannot receive, because it neither sees him nor knows him. You know him, because he abides with you, and he will be in you. I will not leave you orphaned; I am coming to you. In a little while the world will no longer see me, but you will see me; because I live, you also will live. On that day you will know that I am in my Father, and you in me, and I in you. They who have my commandments and keep them are those who love me; and those who love me will be loved by my Father, and I will love them and reveal myself to them."


Malinaw sa unang pangungusap na kung mahal natin ang Panginoong Diyos, ay dapat isinasabuhay rin natin ang Kanyang mga utos. Minsan na rin itong naging ugat ng hindi namin pagkakaintindihang magkakaibigan. Lagi ko kasing binabanggit sa kanila na kailangan na nilang magbago sapagkat walang nakakaalam kung kailan ang Huling Paghuhukom. Ang kanila namang sagot sa akin ay magbabago raw sila sa tamang panahon. Ang importante raw ay kilala nila ang Panginoon at sila'y nananalig sa Panginoon. Ngunit, lagi kong ipinagpipilitan na hindi sapat ang manalig lamang, kailangan din nating mabuhay nang naaayon sa utos ng Diyos. Ibig kong sabihin, sa ating pang-araw-araw na gawain ay sana'y inaalala muna natin ang nakapaloob sa Sampung Utos ng Diyos bago natin ito tuluyang gawin. Hindi man sila nagbago sa isang iglap, ay batid kong unti-unti kong napalambot ang kanilang mga puso, salamat sa Diyos!


Nabanggit din sa talata na pansamantalang hindi makikita ng mga tao sa mundo ang pisikal na katauhan ni Hesus. Tulad nga ng aking nabanggit sa panimulang talata, nalalapit na ang pagbabalik ni Hesus sa tahanan ng Diyos Ama. Ngunit, hindi ito nangangahulugan na hindi natin Siya makikita, dahil siya ay mananatiling buhay, at ganun din tayo sa Kanya; dahil ang pagmamahal natin sa Panginoon ang magpapabuhay sa ating ugnayan sa Kanya. Ang mga magmamahal sa Panginoon ay mamahalin din ng Diyos Ama, at mamahalin din Niya.


Nabanggit din sa banal na misa ang ilang mga bagay hinggil sa pagdurusa na may koneksyon sa ating pagmamahal sa Panginoon. Ngayon, sino ang mananakit sa'yo kung ikaw ay gagawa nang kabutihan? Ngunit kung ikaw ay magdurusa sa paggawa ng tama, ikaw ay pinagpala. Wag kang matakot kung ano ang kinatatakutan nila, sa iyong puso, gawin mong gabay ang Panginoon. Dapat kang maging laging handa sa mga taong tatanungin kung ano ang dahilan ng iyong paniniwala't pananalig sa Panginoon; gawin mo ito sa maayos at matiwasay na paraan. Gawin mong malinis at klaro ang iyong konsensya, upang kapag ika'y hindi kinatigan, ang mga taong aabuso sa'yo sa iyong kabutihan sa Panginoon ay mapapahiya. Sapagkat mas mabuting magdusa sa paggawa ng kabutihan, nang naaayon sa kalooban ng Diyos, kesa magdusa sa paggawa ng kasamaan. Wag po nating kalimutan na ang Panginoong Diyos ay lubos na nagdusa para sa kabutihan - para maligtas ang kasalanan ng sanlibutan. Ibinuhis po ng Diyos ang Kanyang buhay upang tayo ay maligtas. Wala na sigurong mas matindi pang pagdurusa't pagsasakripisyo na tutumbas sa pagbuhis ng sariling buhay. Ayan po ang ginawa ng Panginoon para sa atin. Isa lamang po ito sa mga patunay na mahal tayo ng Diyos at ang Kanyang pagmamahal sa atin ay walang kondisyon.


Yaman din lamang po't napag-usapan natin dito ang pagsasakripisyo, at ang ginamit po na halimbawa ng simbahan sa banal na misa ay tugma rin po sa iniisip ko, ay ibabahagi ko sa inyo ang dahilan kung bakit ako'y tahasang tumututol sa mainit na isyu ngayong RH Bill. Ang tekstong inyong mababasa ay ang pinaghalong opinyon ko at ang mensahe ng simbahan.


May isang politiko na kinwestyon ang katalinuhan (IQ) ng mga alagad ng simbahan. Ang politikong ito ay ubod ng talino at napakahusay magsalita. Gaano na nga ba raw sila katalino at bakit masasabi nilang labag ang RH Bill sa kagustuhan ng Panginoon? Nag-iimpose raw umano ang simbahan sa mga kasapi nito ng ganito-ganyan. May isang politiko naman (na pinagdududahan ng mga tao ang kanyang kakayahan, at may mga nagsasabing hindi sya karapat-dapat maupo sa pwesto), na isinapubliko ang kanyang mahigpit na pagtutol sa nasabing panukala. Bagama't hirap sa pagbibigay paliwanag ang politikong ito, simple lamang ang ugat ng kanyang mga sagot, "May takot ako sa Diyos." Ako'y lubos na humahanga sa politikong ito. Inaamin kong noong una'y wala akong tiwala sa kanya sapaga't ano nga ba ang alam nya sa daigdig ng politika? Ngunit nabaliktad ito noong nabatid kong sa kabila ng kanyang karangyaan pala'y may takot pa rin siya sa Diyos. Ang kanyang pag-iisip, mga sagot na naibulalas dahil sa pagmamahal sa Panginoon, ay higit pa sa mga politikong napakataas ang pinag-aralan.


Ang lomolobong populasyon ay hindi problema. Nakanino ang problema? Nasa mga taong naliligaw ng landas at napapalayo sa Panginoon. Dahil kung talagang mahal natin ang Panginoon ay handa tayong magdusa. Sasabihin ng iba na bakit sinasabi ng simbahan na, "Humayo kayo at magpakarami"? Magpakarami. Base po sa aking pang-unawa ay paramihin po natin ang sangkatauhan upang okupahin ang sanlibutan. Ngunit, hindi po ito nangangahulugan na mag-anak nalang tayo nang mag-anak. Tandaan po natin na hindi po tayo mga hayop, mga tao po tayo! Hindi po tayo kagaya ng mga hayop, ng mga aso na anak nalang nang anak at ang paggawa ng mga tuta ay kahit saan. Tulad po ng aking nabanggit, mahal po tayo ng Panginoon. Isa na namang konkretong ebidensya ng kanyang walang katumbas na pagmamahal ay ang pagbibigay sa atin ng intellectual capacity. Kaya nga po tayo ang pinaka-espesyal na Kanyang nilikha sapagkat binigyan Nya po tayo ng kakayahang mag-isip at magdesisyon. Oo, magdesisyon, makapagdesisyon ng malaya. Ngunit, kaakibat ng kalayaang ito ay ang ating responsibilad na makapagdesisyon, tulad nga po ng lagi kong sinasabi, nang naayon sa utos ng Diyos. At ano ang problema nating mga tao? Nagpapadaig tayo sa ating lower appetite. Opo, lower appetite. Kung ano po ang isa sa mga halimbawa nito, ay ang ating lust, libog, uwag! Hinahayaan po nating ma-overcome ng ating lower appetite (na kaya naman sana nating kontrolin) ang ating intellectual capacity. At alam nyo po ba ang ibig sabihin nito? Kung lagi nalang po tayong nagpapatalo sa ating lust/libog/uwag, tayo po ay weak! Mahina po ang ating ugnayan sa Panginoon at masasabi ko rin pong ang ating pagmamahal sa kanya ay hindi po ganoon katibay. Dahil kung talagang mahal po natin ang Panginoon, handa po tayong magsakripisyo. Unang-una po rito ang sex after marriage, na bihira nalang po talagang mangyari ngayon sapagkat ang ating mundo po ay punung-puno na ng mga makasalanan. Ito po ang unang bahagdan upang maipakita natin ang pagmamahal natin sa Panginoon, muli, sex after marriage. Ngayon, kung may nakatalik na po tayo at switching partner pa ika nga, eh tama na po, ihinto na po natin. Humingi po tayo ng tawad sa Diyos at makipagtalik nalang po sa taong pakakasalanan. Sunod po, eh ito pong mga artificial method sa pagkontrol ng paglobo ng populasyon. Again, tiis lang po! Dahil ang mga artificial methods na ito, tulad po ng condom and pills, eh parang hinihikayat na rin po tayo nitong makipagsex everytime na gusto po natin. Eh ready na pala ang mga preventions eh edi parang sinasabi na rin na why not sex everyday? Again, hindi po tayo mga hayop, mga tao po tayo! Mga espesyal na likha ng Diyos sapagkat binigyan Nya po tayo ng intellectual capacity para makapagdesisyon. Isulong po natin ang natural method. Maraming ayaw kasi hindi raw nila matiis. Uulitin ko pa po ba? Malamang oo para tumatak sa isip nyo. Sacrifice! Pagsasakripisyo po at paghihintay. Magtalik sa tamang oras, sa tamang panahon. May tinatawag po tayong Calendar method na kung saan may nakatakdang araw lamang ng pagtatalik. Marami pang mga metodo ang kinabibilangan ng artificial method at natural method. Again, sakripisyo po. Dahil lahat ng mga sakripisyo, kung para sa kabutihan at naaayon sa kalooban ng Diyos, ay may mabuting kapalit. Tandaan po sana natin na may mga bagay na mas higit pa sa kaligayan ng pagtatalik ang ating makakamtan kung tayo'y magmahahal sa Panginoon. Wag po sana nating kalimutan ang buhay na walang hanggan na maaaring ipagkaloob sa atin ng Diyos Ama sa langit - buhay na malaya sa problema, malaya sa kasamaan. Makakamtan lamang natin ito kung ang ating pagmamahal sa Panginoon ay ganap at sinusunod po natin ang Kanyang mga utos.


Sa isyo po na nag-iimpose raw po ang simbahan at sila ang dahilan kung bakit nahati ang mga Pilipino. Huwad! Ang isyung ito ay isang huwad. Alam naman po nating lahat na matiwasay ang ating pamumuhay bago pa pumutok ang isyung ito. May mga politikong naglabas ng panukala, at ito ang naging dahilan ng ating pagkakahati-hati. Hindi po nag-iimpose ang simbahan at sinabing "Pumanig kayo sa amin." Tapos na po tayo sa old school. Tapos na po ang panahon na kung saan eh pinapalo nang husto ang ang mga hindi sumusunod sa guro. Hindi po pag-iimpose ang ginagawa ng simbahan, nagtuturo lamang po sila tuwing banal na misa. Ang mga pagtuturo po nila ay sa paniniwalang naaayon ito sa kagustuhan ng Panginoon. Ibinabahagi po nila ito tuwing banal na misa. Nasa mga tao na po kung alin ang kanilang paniniwalaan, basta ang ginagawa ng simbahan ay nagtuturo nang naayon sa Panginoon, hindi po nag-iimpose.


Ngayon, solusyon kaya ang pagkontrol ng populasyon sa kahirapan? Malinaw na ang aking sagot ay hindi! Isang malaking kasinungalingan ang katanungang ito. Ang susi sa solusyon upang masugpo ang kahirapan, ay ang ating pagkakaisa. Kumbaga, chain reaction. Inaamin kong nahihirapan ako kung paano ito uumpisahan, o kung saan magsisimula ang chain, pero gagawin ko pa rin ang lahat ng aking makakaya.


Wastong edukasyon. Kung lahat ng mga Pilipino ay edukado at nagtitino habang sila'y nag-aaral, walang maghihirap. Paano mangyayari ito? Kung sila'y nag-aaral nang mabuti, magkakaroon sila ng mataas na marka, ito ang magiging sandata nila sa paghahanap ng trabaho dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Isipin niyo, napakaraming walang trabaho na mga Pilipino (unemployed) pero bakit mayroon pa ring laman ang mga classified ads section ng mga pahayagan? May Wanted: accountant, managers, teachers, supervisors, welders, etc. Kabi-kabila ang mga job fairs sa bansa. Hindi po nagkulang ng mga trabaho, ang kulang, mga kwalipikado. Dahil sa bulok na sistema ng edukasyon at tamad na mga Pilipino, ay nagreresulta ito ng mababang antas o mababang quality ng mga nagsipagtapos na mga mag-aaral. May trabaho eh, hindi lang talaga qualified ang mga tao. Kasi kung walang trabaho, edi sana wala na ring classified ads at job fairs. Ngayon, hindi rin lang sa mga eskwelahan ang problema. May mga Pilipino lang talagang sadyang tamad at mabilis sumuko. Andaming tambay! Isang beses lang hindi natanggap ay suko na agad at daragdag na sa unemployment rate ng ating bansa. Isipin nyo nalang kung gaano kaganda kung ang mga Pilipino ay may sapat na talino sa mga bagay-bagay, may trabaho agad, mabilis ang pag-unlad! Kaya kung mag-aaral lang tayo nang mabuti, hindi problema ang malaking populasyon.


Nabanggit ko ang bulok na sistema ng edukasyon. Kulang na kulang ang mga paaralan sa buong bansa kaya ang iba'y pumapasok nga, pero wala namang natututunan, o kung may natututunan man, mali-mali naman. May dalawang kondisyon sa unang pangungusap. Una, masyadong siksikan ang mga estudyante kaya wala na silang natututunan. May budget ang pamahalaan, pero hindi nakakarating sa mga bayan. Ang problema ngayon, nasa mga taong nasa posisyon! Sila itong mga nasilaw sa pera kaya na-engayong magnakaw sa kaban ng bayan. Ang resulta, nawawalan ng venue ang mga tao upang matuto. Kapag nasugpo ang korapsyon, hindi problema ang malaking populasyon. Ikalawa, mga mali-maling natutunan. Hindi na ito lingid sa ating kaalaman sapagkat may mga awtor talagang tamad ng ireview ang mga aklat bago ilathala. Yung iba, obvious na mali (lalo na sa mga aklat ng Matematika), pati na rin ang mga datos sa mga aklat ng Kasaysayan. Ano ang mangyayari? Kapag ang mga estudyante ay kumuha na ng mga pambansang pagsusulit, malaki ang posibilidad ng kanilang pagbagsak sapagkat mali-mali ang kanilang natutunan, magrereview na naman ulit, dadagdag na naman sa bahagdan ng mga unemployed. Kapag tayo ay magsisipag, hindi problema ang malaking populasyon.


Dahil daw sa paglobo ng populasyon ay nauubos na ang ating likas na yaman. Mali! Kasinungalingan ang puntong ito! Oo, paubos na nga po ang ating mga likas na yaman pero hindi po tama na isisi ito sa paglago ng populasyon. Ang sisi? Nasa mga iresponsableng tao. Totoo nga't ginawa tayo ng Panginoon upang okupahin ang daigdig pero kakambal nito ang responsibilidad na pangangalaga sa ating kalikasan. Ang nangyayari sa kasalukuyan ay nagiging gahaman ang mga tao. Halimbawa na rito ang iligal na pagtotroso. Wala namang sinabi ang Panginoon na bawal putulin ang mga puno. Ngunit, sa pagputol nito'y kailangan din natin itong palitan bilang bahagi ng pangangalaga natin sa kalikasan. Halimbawa pa'y ang paggamit ng maliliit na lambat at dinamita sa pangingisda. Sa paggamit ng maliliit na lambat ay pati ang mga isdang hindi pa nakapagreproduce ay nahuhuli na kaya ang nangyayari ay nauubos ang mga isda. Sa paggamit naman ng dinamita, nasisira ang paraiso sa ilalim ng dagat. Nawawalan ng makakain at mapapanganakan ang mga isda. Ang mga tao ngayo'y nagiging sakim sa pera kaya ang nangyayari'y ginagawa ang hindi tama. Dahil sa mga pagnanais na magkaroon ng limpak-limpak na pera ay hindi na nila iniisip kung makasisira ba ito sa mga likas na yaman. Pati na nga sa ating mga tahanan, ang simpleng pagtapon at pag-segregate ng mga basura ay hindi pa natin magawa. Ngayon, populasyon ba ang dahilan ng pagkawala ng ating mga likas na yaman? Hindi! Mga iresponsable at mga gahaman na tao ang may kagagawan nito.


Tumataas ang crime rate dahil daw sa napakaraming bilang ng mga tao. Teka, bakit nga po ba nangyayari ang mga panghoholdap, nakawan, snatch, atbp? Dahil sa kahirapan! Ngayon, paano po ito masosolusyonan? Kung talagang na-absorb nyo po ang mga sinasabi ko, wastong edukasyon ang solusyon dito!


Marami pang mga argumento na konektado lamang sa isa't isa at kung tutuusin ay naging bulag tayo sa mga problema. Handa po aking harapin ito sapagkat naniniwala akong sa labang ito ay kasama ko ang Diyos. Mamumuhay po ako nang walang takot sa mga sugo ni Satanas dahil protektado po ako ng pagmamahal ng Panginoon.


Ang pinakaimportante sa lahat, ako po ay nananawagan sa mga magulang, magiging magulang, at nagbabalak maging magulang, na sana po, bata pa lamang ay hubugin na natin ang ating mga anak na may takot sa Diyos. Kung may takot sa Diyos, may disiplina. Ipaliwanag po natin ang kahalagahan ng Sampung Utos ng Diyos. Ipaunawa po natin kung bakit kailangan nating isapuso ang mga ito at kung bakit mahalaga itong isabuhay.


Uulit-ulitin ko po, sakripisyo! Dahil ang Diyos ay isinakripsyo ang kanyang buhay upang tayo'y maligtas. Sa puntong ito'y sasabihin kong hindi lamang ito sa RH Bill, kundi sa ating pang-araw-araw na sakripisyo. Wag po tayong mapagod sa pagpapalaganap ng mabuting balita, sa paghihikayat sa mga tao na magbago, at manumbalik sa Panginoon. Kahit ako, minsan ay naisipan ko na ring sumuko sa kadahilanang sa tuwing ibinabahagi ko sa aking mga kaibigan ang mga natutunan ko sa banal na misa ay parang naweweriduhan na sila sa akin. Ngunit, sa tuwing naiiisip ko na sa pagsasakripisyong ito'y kasama ko ang Panginoon, napapawi lahat ng pagod ko.


*Hinggil po sa mas masusing sanaysay ng aking panawagan sa mga magulang, maaari nyo pong basahin ang isa ko pa pong blog entry. http://puntongbisaya.blogspot.com/2011/05/para-sa-mga-at-magiging-mga-magulang.html



God in Heaven Pictures, Images and Photos

Note to God: Loving Father, first and foremost, thank you po for giving strength, knowledge and wisdom sa pagsusulat ng entry na ito. Isa po ito sa mga hindi ko po talaga makalilimutan. You know Lord, I know na after pong mabasa ang aking entry ng mga tao ay meron naman po talaga yang mag-ooppose, pero hindi po ako natatakot, at handa po akong harapin sila, kasi I know Lord na in this battle, sandata ko po ang pagmamahal Nyo sa akin. I know Lord na You're with me in this battle. Hmm... Thank you po sa mga blessings na binigay Nyo po sa akin and sa mga opportunities in life. Yung sa writers workshop po, thank you po and andami ko pong natutunan not just in writing, but also po sa sarili ko, parang ano sya Lord, uhm, naging mas mature po ako sa pagtanggap ng criticisms. Lord I know na naging childish ako or yung type na hindi ako naging mature when I was criticized, I'm sorry for that. Kasi naman po Lord, in my 18 yrs of existence eh puro praises nalang kasi ang natatanggap ko po sa pagsulat ng tula then suddenly, bang! So ayan po Lord, parang nawalan ako ng gana na umattend pero You know Lord, nagsisi po talaga ako. Kasi di ba po, nagpromise po ako sa Inyo na I'll be the channel of Your peace eh ang nagawa ko po ay ako pa yung nagcause ng worries sa kanila sa hindi ko po pagpunta. Tapos aside from that, parang nasayangan din po ako kasi sabi nila, next workshop ay nasa staff na raw po kami belong eh feeling ko, wala pa po akong right dun kasi po hindi po ako naging responsible sa kanila and sa sarili ko. You know Lord, kung mabibigyan lang po talaga ako ng isa pa pong chance, mas gugustuhin ko pa pong magworkshop ulit at maging fellow ulit. Like, gusto ko po na before po ako maging staff ay kailangan ko po munang iimprove ang sarili ko. Thank you po sa foods na binigay Nyo po sa akin at nabudget ko po ng maayos ang allowance ko. And oo nga po pala, thank you po sa mga new friends ko na natagpuan ko po sa workshop. Lord, seriously, thank you for saving my mom and my aunt. Lord, grabe, gusto ko po talagang umiyak Lord like, ugh thank you po talaga kasi maituturing ko na po yung parang binigyan Nyo po sila ng another life. Lord, siguro grabe, yung mga guardian angels mo po ay super bumulong po talaga sa kanila na lumipat ng bus na sasakyan. Lord, thank you po talaga. Also po Lord, dun sa mga namatay sa bus accident, Lord, I'm praying for them Lord. I can feel na marami sa kanila ang matagal na pong hindi nakapagconfess sa Inyo so Lord God, with all my heart, sana po ay mapatawad Nyo po ang mga sins nila and please save them po from the fires of hell. I'm praying din po na sana, yung mga loved ones nila here on Earth ay ma-ease po agad ang pain kasi Lord, Lord, I know how difficult ang mamatayan yung type na, ugh, sakit masyado Lord. Papa Jesus, thank you po talaga at napanood ko yung movie na The 13th Day. It brings me closer to Mama Mary. Thank you po at nakilala ko si Our Lady of Fatima kasi po it adds reasons why I shoud pray the Most Holy Rosary. Don't worry Lord, I will encourage Your children na panoorin po iyon. Lord, thank you kasi po patuloy po akong pinagkakatiwalaan ng mga tao and naging part po ako ng decision making nila, like kinukunsulta po nila ko. Lord, thank you kasi nagampanan ko po yung role na pinangako ko po sa Inyo na when there's despair in life eh nakakapagbigay po ako ng hope. Speaking of, ewan ko po ba Lord kung anong meron sa akin at gusto akong makita ng mommies ng mga classmates ko. Maybe Lord natutuwa sila kasi po naging friend ako ng mga anak nila. Like, I'm bringing them Your words and teachings. Thank you po talaga Lord. Lord, thank you kasi nakaabot ako ng June 1, yehey! And nga po pala Lord, thank you po sa money na binigay ng lola ko. Ugh, Lord, iiyak na naman ako the second time around kasi umiyak na ako kanina diba Lord when I knew na binigyan akong 100 ng lola ko. Lord, I'm always asking You na sana, give them longer life most especially ang mga tao na binigyan ko po ng too much pain nung bata pa po ako. Lord, I know na naging sinful po talaga ako Lord and nasaktan ko po sila, my parents, my siblings, my relatives, my lola, kaya Lord, I'm asking for Your guidance na sana po, sana ay maging successful po ako sa aking pag-aaral and makahanap ng good job para You know Lord, it's my time to make bawi to them. Kasi Lord, until now, I still can't forgive myself sa mga nagawa ko sa kanila. I know Lord na kasalanan ang magself-pity pero Lord, I can't. Kumbaga Lord, abot langit ang mga pagsisisi ko and You know Lord, I'm looking forward po talaga na by the time na I have enough money na, sana po buhay pa yung mga taong nasaktan ko para kahit papaano ay ma-treat ko naman sila like going abroad or yung kahit na anong gusto nila ay ibibigay ko po. Lord I know na nakapagsorry na ako sa kanilang lahat pero for me, it's not enough pa rin po. Lord, thank you kasi yung strength ko po sa Inyo ay lumalakas everyday. I mean, may mga tao Lord na nagiging block sa pagspread ko po ng good news Nyo pero hindi pa rin po ako napanghihinaan ng loob. You know Papa Jesus, thankful din po talaga ako kasi po, nacocontrol ko na po yung let's say, lower appetite ko. Diba po before pag may new crush po ako na talaga naman pong sinful kasi same sex po, ay nagiging expressive po ako. Like sinasabi ko sa mga friends ko kung sino ang crush ko and ganoon din po sa crush ko, sinasabihan ko po na crush ko sya. Pero ngayon Lord, thank you kasi po with Your help ay natatago ko na po sya, I mean hindi na po nakabroadcast. I know Lord na may kasalanan pa rin po ako pero at lest eh na lessen na po sya kasi ngayon ay sa isip nalang po ang kasalanan ko, hindi na po sa salita at sa gawa. Lord, sa mga blessings na hindi ko pa po nabanggit, thank you po talaga. Lord, sorry for my immoral acts these past few days. I failed to play my role po talaga sa part na ito. Pero binabangon ko naman po ang sarili ko with Your guidance. Lord sorry kasi tamad ako sa paglinis ng lawn namin, eh ewan ko ba Lord, nasa stage of pagsasanay pa siguro ako sa pagbunot ng mga damo. Lord God, sorry kasi nagcause po ako ng worries. Sorry rin po kasi nakakapagdecide ako ng mga hindi magagandang bagay bunga na rin po ng init ng ulo. Sorry Lord kasi naiinis ako dun sa taong yun, yung mayabang Lord. Eh basta, ewan ko ba, OA kasi masyado Lord kaya naiinis ako pero unti-unti ko naman pong nilelet go ang inis ko sa kanya po. Sa mga kasalanan po na hindi ko pa po nabanggit, sorry po. Papa Jesus, malapit na ang pasukan. Yes, another chapter of my life. Another sleepless nights. Sana po ay maging okay ang semester na ito at malagpasan ko po ang mga obastacles this time. Lord, good health and please always remind me Lord na magdiet sa mga carbo and mga matatamis. Lord, ang aking allergy, as in Lord, sobrang kati na talaga. Sana maayos na po ito. Lord, excited na akong umuwi sa Agusan. Sana eh safe po akong makarating dun at makabonding ang family na 2 months ko na pong hindi nakikita. Lord God, ang secret po natin ha? October 16-22, sana po ay go go go. Lord, sana po ay hindi ko makalimutan ang mga commandment Nyo po. Please guide my family and my relatives. Ilayo Nyo po sila sa sakit and sa mga tukso. Lord, sa mga nangangailangan po ng help Nyo, sana hindi po sila mawalan ng hope and sana po ay hindi po sila mapagod sa paghihintay. Yun pong mga nagsusuffer ngayon from different kinds of pain ay sana po maheal na po sila. Yung mga naliligaw po ng landas ay sana po ma-enlighten na. And ang greatest wish ko po, sana ang mga tao ay makaintindi na hindi po sapat ang maniwala lang sa Inyo, dapat isabuhay rin po sana nila yung mga utos Nyo po. Kasi nga po diba, Lord, oo, naniniwala nga po sila sa Inyo eh gumagawa naman sila ng bad deeds so wala rin po. Lord, thank you po sa mga guardian angels ko na prinovide Nyo po sa akin. Sana po ay hindi po mapagod sa akin ang aking first layer of defense. I just wanna say hi rin po sa mga relatives, friends and idol ko na nasa kabilang buhay na po. I'm praying for them. Sa lolos ko po, uncles, tatay po ni Sef, kay Rhea po, ate Michelle, lolas ko po, and of course kay AJ Perez na sana po ay super happy na sila and wala na po silang dinadalang worries. Thank you rin po sa mga living guardian angels ko na tumutulong po sa akin sa decision making at ginagabayan po talaga ako. Sila po yung mga super friends ko here on Earth. Sana po ay bigyan Nyo po sila ng strength para maging living guardian angels din po sila sa mga ibang tao. Lord, sa mga souls and spirits na hindi pa po napapalagay, I'm praying for them. Please forgive their sins and purify them po and sana po ay sa heaven po sila mapupunta. Lord, sa mga souls and spirits na wala na pong nakakaala, I'm praying for them din po and sana wag na po silang malungkot kasi kahit hindi po nila ako kilala eh pinagpi-pray ko naman po lagi sila. And, bago ko po makalimutan. Yung friend ko po na si ano Lord, kilala Nyo na po yun, yung ano po Lord, may matinding pinagdadaanan ngayon, eh sana po ay gabayan Nyo po sya and always remind him/her po na blessings po kung ano man ang meron sya. Dominican Saints, pray for us. St. Francis of Assisi, pray for us. Our Lady of Fatima, pray for us. Good morning Mama Mary, I love you po and thank you for being our mother. Good morning Papa Jesus, I love you, thank you po sa pagsave Nyo sa amin. Good morning Papa Joseph, I love you po and than you for being a good father. Good morning God the Father, I love you po, we love you po. See you po sa Judgement Day. Mwuah! Arriba!



Follow ejsumatra on Twitter