Pages

Monday, April 25, 2011

From the Holy Mass - Hope

Date: 24 April 2011
Saint of the day: St. Fidelis of Sigmaringen
Occasion: Easter Sunday
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

Jesus Resurrection Pictures, Images and Photos

Sa araw na ito ay eksakto akong dumating sa simbahan. Mga ilang minuto lamang ay nag-umpisa na ang misa. Akala ko'y wala na akong mauupuan pero tinalasan ko ang aking mga mata at ako'y nakahanap ng pwesto sa may likuran. Bigo ako sa aking naunang plano na pumwesto sa harap ng altar.


Isasalaysay ko sa inyo ang unang bahagi ng sermon ng pari. Sa mga pelikula o anumang mga palabas, hindi na bago sa atin na naising magwagi ang mga bida. Ang mga bida, sa karaniwang kwento, ay yung mga mahihirap, inaapi, o maging mga mababang uri ng tao. Lahat ng ginagawa sa kanila ng mga kontrabida ay apektado tayo. Minsan, nagagalit tayo, napapaluha, naiinis, o kaya'y naninikip ang dibdib. Kung maaari lamang na tayo nalang ang maging direktor ay ginawa na natin siguro. Ngunit, hindi natin hawak ang kwento, yan ang realided. Sa mga teleserye na sinusubay-bayan natin tuwing gabi, na lagi tayong nabibitin, ay gusto na nating tapusin agad upang magwagi na ang bida. Lubos na kagalakan ang ating nadarama sa tuwing natatalo ng bida si kontrabida - naibabalik ang ngiti sa ating mga puso, at ang kutitap ng ating mga mata.


Ganito ang kwento ng Pagkabuhay ng Panginoon. Siya ay pinagpakasakit at pinagbintangan sa mga kasalanang iginigiit ng mga Hudyo sa Kanya. Hindi kasi sila naniniwala na ang kaharap nila ang ang tagapagligtas ng sanlibutan. Sa paglilitis pa lamang ay hindi naging kanais-nais ang ginawa ng mga Hudyo kay Hesus: dinuraan, sinuntok, at pinalo. Binalot ng Kanyang sariling dugo si Hesus sa Kanyang Pasyon. Tila isang hayop din na pinagpapalo ng mga tauhan ni Pontio Pilato si Hesus. Ibinigay ni Pontio Pilato ang huling hatol sa mga tao, at ang hatol, kamatayan ni Hesus. Si Hesus ay ipinako sa krus at doon namatay.


Si Hesus ay muling nabuhay sa ikatlong araw ng Kanyang kamatayan. Nasaksihan ito ng mga Apostoles ni Hesus at ni Maria Magdalena. Sinabi Niya na ipalaganap ang mabuting balita, ang kanyang pagbabalik.


Maihahalintulad sa mga pelikula ang buhay ni Hesus. Siya ay inapi-api ngunit nagwagi sa huli. Tulad sa mga pelikula, tayong mga tao ay lubos na apektado sa mga panahong si Hesus ay pinagpakasakit ng mga kalaban. Naipapakita natin ang ating apeksyon sa tuwing Mahal na Araw. Iba't ibang mga tradisyon ang ating ginagawa bilang pakikiisa sa pagdurusa ni Kristo. Nariyan ang hindi pagkain ng karne, mga prosesyon, atbp. Sa Kanyang muling pagkabuhay naman ay tayong mga tao ay muling nagagalak. Ipinagdiriwang natin ito sa pamamagitan ng paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay. Ngunit, ano nga ba ang esensiya ng Kanyang pagbabalik?


Ang pari ay may binanggit na tatlong dahilan. Una rito ay ang pagpapatunay sa dibinidad (divinity) ng Diyos. Na Siya ay anak ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Patunay rin ito na ang mga Kristyano'y maaaring muling mabuhay at magkaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Mahalaga ito sapagkat kung hindi natin ito pinaniniwalaan, ay wala ring silbi ang ating pananampalataya sa Diyos. Ipinapaalala rin ng Diyos na Siya po ang pinakamakapangyarihan sa lahat, na kaya nya pong bigyan ng bagong buhay ang isang tao pagkatapos ng kamatayan. Ikalawang punto ay ang panibagong pag-asa. Ito pa ang nais iparating ng Simbahan na may pag-asa pang naghihintay sa lahat ng mga nagdurusa sa buong mundo. Darating din ang araw na ang kasamaan ay tuluyan nang maglalaho at mananaig na ang kabutihan. Ikatlong punto naman po ay ang pagmamahalan. Mahalin po natin ang isa't isa, hindi lamang po kung sino lamang ang mga nagmamahal sa atin, kundi maging ang mga may ayaw sa atin. Ipanalangin po natin sila. Maipapakita rin po natin ang ating pagmamahal sa mga kapwa tao sa pamamagitan ng pamamahagi ng magandang balita - ang pagbabalik ni Hesukristo.


Nais ko lamang din pong ibahagi ang aking mga natutunan mula sa http://www.gotquestions.org/resurrection-Christ-important.html - In 1 Corinthians 15, Paul explains in detail the importance of the resurrection of Christ. Some in Corinth did not believe in the resurrection of the dead, and in this chapter Paul gives six disastrous consequences if there were no resurrection: 1) preaching Christ would be senseless (v. 14); 2) faith in Christ would be useless (v. 14); 3) all the witnesses and preachers of the resurrection would be liars (v. 15); 4) no one would be redeemed from sin (v. 17); 5) all former believers would have perished (v.18); and 6) Christians would be the most pitiable people on the earth (v. 19). But Christ indeed has risen from the dead and “has become the first-fruits of those who have fallen asleep” (v. 20), assuring that we will follow Him in resurrection.


Bilang pangwakas, ay nais ko lamang pong sabihin sa inyo na habang may oras pa, ay manumbalik po tayo sa Panginoon. Maniwala po tayo na Siya'y magbabalik. Kaakibat din po ng ating paniniwala ay mamuhay po tayo nang naayon sa kanyang kagustuhan. Huwag pa natin Siyang sasaktan. Kung masasaktan po natin Siya ay humingi po tayo ng kapatawaran kasabay ng ganap na pagsisisi at pangakong hindi na ito gagawin muli.



God is our hope Pictures, Images and Photos

Note to God: Lord, I'm just being honest. Sorry po kasi nung pagdating ko po sa church ay ang blog entry ko agad ang pumasok sa isip ko. Pero thankful din po ako kasi na-overcome ko po agad iyon and nakapagconcentrate naman po ako sa mass. Lord, I have a lot of things na gustong sabihin sa article na ito pero hindi ko po alam kung paano. I mean, natatakot po akong magkamali sa article na ito like baka ibang pangalan ang mabanggit ko eh I'm spreading the good news pa naman po tapos mali pala ang sinasabi ko. Lord, I hope na if may mali sa sinulat ko ay bigyan Mo po ako ng signs para maituwid ko po agad ito. Lord, You know naman na nasa process pa po ako sa mas pagkilala pa po sa Inyo. Sorry Lord kasi ngayon ko lang po ito ginawa. Sana it's not too late pa po. Sana dumating ang araw na confident na po ako sa mga sinusulat ko rito. Lord, alam Niyo po, natakot po ako kanina kasi po, hindi po ako natalsikan ng Holy Water. Feeling ko po tuloy eh lumalakas ang evil power sa aking katawan. Buti nalang po eh nasawsaw ko yung kamay ko doon po sa may angel sa may entrance po ng church. Lord, I have a personal wish, na sana, forever nalang ang pain, everyday nalang ako mag-cry dahil sa nangyari kay AJ Perez. I know na mali, pero hindi ko po siya tinitingnan as a crush, kundi as an inspiration po. Yung tipong I just want to be like him - a good son, brother, and a decent person. If present pa po kasi ang pain, it will always remind me how good AJ was. Pero kung ayaw Mo po, give me a sign. Lord, may isa pa akong problema. Wala ng unlisurf next week. Paano ang blog? Hmm... Gagawan ko po talaga ng paraan na ma-spread pa rin ang message Mo. Lord, I know na hindi ka natutuwa kasi hindi po ako nagstudy ng PhilCon, instead, nagTwitter and Fb lang po ako magdamag. Lord, I am willing to face the consequence and, hindi po ako magche-cheat. Lord, I just wanna say thank you for giving me the chance to change myself. Lord, sorry kasi hindi pa ako ready magconfess sa mga alagad Mo. Gagawin ko po ito as soon as possible at sa araw na iyon, sasabihin ko po lahat ng mga kasalanan ko. Gagawa po ako ng listahan para matandaan ko po lahat. Sana lang po, wag po akong magbreakdown. Lord, nagtext si Anwar, nasa ospital daw sya dahil masakit ang tyan. Lord, kahit iba po ang religion nya, pls. save him and ease the pain. Sa lahat din po ng nangangailangan ng Inyong awa, sana hindi po sila mawalan ng pag-asa and I know na in Your time, they will feel extreme happiness. Lord, guide my family and relatives. Ilayo mo po kami sa mga sakit. Kung may parating man, akin nalang po. Sana ako nalang ang magsuffer para mapagbayaran ko po sa inyo ang mga immoral acts na ginawa ko. Lord, I know na I've caused you too much pain. Sorry Lord. You know how much I love you, even before pa. Pero hindi ko po yun napakita. Lord, before Mo po ako kunin eh sana makapagkumpisal na po ako. Ayan talaga ang bumabagabag sa akin, hmmm. Lord, study muna akong PhilCon ha? Later na po exam namin. Love you Lord. Smile ;-) Good morning Mama Mary! Good morning Papa Jesus! Good morning Papa Joseph! And arriba! Dominican saints, pray for us.



Follow ejsumatra on Twitter

Sunday, April 24, 2011

From the Holy Mass - Humility

Date: 21 April 2011
Saint of the day: St. Anselm
Occasion: Maundy Thursday
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

washing apostles feet Pictures, Images and Photos

Sadya kong inagahan ang aking pagpunta sa simbahan. Sa isip ko, magsisiksikan na naman ang mga tao sapagkat may espesyal na okasyon sa araw na ito. Habang papunta ako sa simbahan, tinawagan ako ng aking kaibigan at sinabing sabay raw kaming magsimba.


Sa oras nang aking pagdating ay tila taliwas ang bilang ng mga tao sa aking inaasahan, o kaya'y masyado lang akong napaaga. Hinintay ko nalang ang aking kaibigan. Matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita sa Tahanan ng Panginoon. Sa aking paghihintay ay muli kong sinariwa ang Ang Sampung Utos ng Diyos. Parami na nang parami ang mga tao kaya napagpasyahan kong pumasok na kahit wala pa ang aking kaibigan. Naisin ko mang mapaupo sa harap ng altar ay mukhang nahuli na ako kaya sa may likod na lamang akong umupo. Tinext ko ang aking kaibigan at sinabi ang aking eksaktong lokasyon. Ilang minuto pa'y dumating na sya at tumabi sa akin.


Sa Banal na Misa ay tila ba ako ay nasa loob ng trianggulong kinabibilangan ng iba't ibang uri ng tao sa bawat sulok. Sa aking (harapan) kaliwa'y may lalaking hindi ko maintindihan ang amoy at walang nagtagal sa kanyang mga katabi. Sa may kanan naman ay may babaeng batid kong umiiyak at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Sa aking likuran naman ay may mga babaeng nag-uusap habang ginaganap ang misa at ang isa sa kanila'y may mga pagkakataong may kausap sya sa kanyang telepono. Ngunit, ito'y hindi naging ganap na hadlang upang hindi ko mapakinggan ang mensahe ng Panginoon.


Sa sermon ng pari, sinabi nya ang mga kaganapan sa Huling Hapunan ni Hesukristo. Binigyang diin nya ang pagpupunas ni Hesus sa mga paa ng kanyang mga Apostoles. Binanggit rin niya ang mga naging reaksyon ng mga ito. Hindi ko itinatangging bago sa akin ang kaalamang iyon kaya't mas lalo akong ginanahang makinig.


Ang pagiging mapagkumbaba (humility) ang sentro ng usaping ito. Ito ang nais iparating sa atin ng Diyos. Ginawa nya ang isang bagay na karaniwang ginagawa ng mga pinakamababang uri ng mga tao sa lipunan. Ang Diyos ba ay mababang uri? Hindi! Alam nya, na sya ang Panginoon, na sya ay magiging katuwang ng Diyos Ama sa langit.


Sa mundong ating ginagalawan, na tila ba lahat ay nagmamadali, ay nagmistulang nakatanim na sa ating isipan kung ano ang ating posisyon sa kasalukuyan. May mga tao, partikular na sa mga estudyante na walang pakundangan sa pagyayabangan sa kung ano ang bago sa kanila - cellphone, laptop, atbp. Oo, ipinanganak silang mayaman at ni minsan ay hindi naranasan ang pait ng kahirapan. Ngunit, wag nating kalimutan na walang permanente sa mundo maliban na lamang sa pagbabago. Maaari naman sigurong manahimik nalang at hayaan ang mga taong tumuklas sa iyong mga narating.


May mga pagkakataon ding masyado na tayong nagiging kampante sa ating mga sarili. Mga pagkakataong punung-puno tayo ng tiwala na kaya nating gawin ang lahat. Sa bandang huli, bigo naman, bigo dahil sa kayabangan. Sa sobrang tiwalang makamit ang mga bagay-bagay ay nakakalimutan na nating daanan ang mga proseso na huhubog sana sa atin sa tamang landas.


Isa rin sa mga aplikasyon ng pagigiging mapagkumababa ay ang paghingi natin ng tawad sa ating mga kasalanan, pagpapaumanhin sa ating mga nasaktan, at pagtanggap ng ating mga pagkakamali. Tandaan na ang ating pagmamamataas (ma-pride) ay hindi ata makatutulong sa ating paglalakbay tungo sa langit. Alam kong hindi madali ang mga ito sapagkat tayo'y magmumukhang talunan kapag ito'y ating ginawa. Ngunit, ang totoo'y tayo ang panalo. Sapagkat nagampanan natin ang nais ng Panginoon - ang pagiging mapagkumbaba.


Marami pang mga halimbawa ang maaaring maihelera kagaya ng mga ito. Ang mahalaga'y maikintal natin sa ating mga puso ang ginawa ng Panginoon bilang isang malaking halimbawa ng pagpapakumbaba. Walang mawawala kung ating susubukas. Pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoon!


Binigyang inspirasyon din ako ng site na ito: http://www.ebibleteacher.com/children/lessons/washfeet.htm


humility Pictures, Images and Photos

Note to God: Lord, thank you for giving me enough knowledge in writing this article. Medyo inaantok na rin po talaga ako kaya parang even I myself ay hindi po masyadong nagustuhan ang sulat ko ;-) Lord, sorry kasi lagi kong pinagmamayabang sa mga friends ko ang mga achievements ko, lalo na po sa Finance na halos araw-araw ko na pong ina-announce sa kanila ang mga high scores ko po. Narealize ko na hindi po pala yun tama. Tingin ko po, it's more appropriate kapag sila po ang nagtatanong kung ano po ang score ko rather than ako po yung nagbobroadcast. Sorry rin po kasi yumabang ako against my Finance classmates. Para pong namaliit ko sila and maliit ang pagtingin ko sa kanila. I know na hindi ko po dapat yun ginagawa. Lord, sorry rin po na feeling ko high ako kasi nasa Ateneo po ako. Pls. help me remind myself na pinapaaral lang po ako ng uncle ko. Sana po ay lagi ko pong maalala na galing din po ako sa public school. Kaugnay po nito, sana, I pray na yung mga students from other schools po ay sana, wag po nilang maliitin ang sarili nila and laging kinocompare sa Ateneo or sa iba pang giant universities. Ang importante po, they're doing their best sa kanilang pag-aaral. Makikita naman po in the end yan kapag nakapagtrabaho na po eh. Sorry Lord kasi yung attitude ko po na para bang ayaw kong umalis ng bahay kapag pangit ang suot ko. Feeling ko po kasi, baka may makakilala sa akin tapos nakapambahay lang po ako. I know na dapat maging humble po ako. Unti-unti po akong magbabago, sa daan na tama at ayon po sa inyong kagustuhan. At sa lahat po ng mga kasalanan na hindi ko po nabanggit (as of 24 April 2011, 5:50 am) na may kaugnayan po sa pagkamayabang, I'm sorry po Lord. Lord, pls. guide me na sana po ay maging tama ang mga decisions ko in life. Guide also po my family, relatives, and lahat po ng mga nangangailangan sa inyo. Lalo na po ang mga nagsusuffer from deep pain, sana po ay hindi po sila mawalan ng pag-asa. I love you Lord. I love you Papa Jesus. I love you Mama Mary. I love you Papa Joseph. Dominican Saints, pray for us.



Follow ejsumatra on Twitter