Pages

Sunday, April 24, 2011

From the Holy Mass - Humility

Date: 21 April 2011
Saint of the day: St. Anselm
Occasion: Maundy Thursday
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

washing apostles feet Pictures, Images and Photos

Sadya kong inagahan ang aking pagpunta sa simbahan. Sa isip ko, magsisiksikan na naman ang mga tao sapagkat may espesyal na okasyon sa araw na ito. Habang papunta ako sa simbahan, tinawagan ako ng aking kaibigan at sinabing sabay raw kaming magsimba.


Sa oras nang aking pagdating ay tila taliwas ang bilang ng mga tao sa aking inaasahan, o kaya'y masyado lang akong napaaga. Hinintay ko nalang ang aking kaibigan. Matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita sa Tahanan ng Panginoon. Sa aking paghihintay ay muli kong sinariwa ang Ang Sampung Utos ng Diyos. Parami na nang parami ang mga tao kaya napagpasyahan kong pumasok na kahit wala pa ang aking kaibigan. Naisin ko mang mapaupo sa harap ng altar ay mukhang nahuli na ako kaya sa may likod na lamang akong umupo. Tinext ko ang aking kaibigan at sinabi ang aking eksaktong lokasyon. Ilang minuto pa'y dumating na sya at tumabi sa akin.


Sa Banal na Misa ay tila ba ako ay nasa loob ng trianggulong kinabibilangan ng iba't ibang uri ng tao sa bawat sulok. Sa aking (harapan) kaliwa'y may lalaking hindi ko maintindihan ang amoy at walang nagtagal sa kanyang mga katabi. Sa may kanan naman ay may babaeng batid kong umiiyak at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Sa aking likuran naman ay may mga babaeng nag-uusap habang ginaganap ang misa at ang isa sa kanila'y may mga pagkakataong may kausap sya sa kanyang telepono. Ngunit, ito'y hindi naging ganap na hadlang upang hindi ko mapakinggan ang mensahe ng Panginoon.


Sa sermon ng pari, sinabi nya ang mga kaganapan sa Huling Hapunan ni Hesukristo. Binigyang diin nya ang pagpupunas ni Hesus sa mga paa ng kanyang mga Apostoles. Binanggit rin niya ang mga naging reaksyon ng mga ito. Hindi ko itinatangging bago sa akin ang kaalamang iyon kaya't mas lalo akong ginanahang makinig.


Ang pagiging mapagkumbaba (humility) ang sentro ng usaping ito. Ito ang nais iparating sa atin ng Diyos. Ginawa nya ang isang bagay na karaniwang ginagawa ng mga pinakamababang uri ng mga tao sa lipunan. Ang Diyos ba ay mababang uri? Hindi! Alam nya, na sya ang Panginoon, na sya ay magiging katuwang ng Diyos Ama sa langit.


Sa mundong ating ginagalawan, na tila ba lahat ay nagmamadali, ay nagmistulang nakatanim na sa ating isipan kung ano ang ating posisyon sa kasalukuyan. May mga tao, partikular na sa mga estudyante na walang pakundangan sa pagyayabangan sa kung ano ang bago sa kanila - cellphone, laptop, atbp. Oo, ipinanganak silang mayaman at ni minsan ay hindi naranasan ang pait ng kahirapan. Ngunit, wag nating kalimutan na walang permanente sa mundo maliban na lamang sa pagbabago. Maaari naman sigurong manahimik nalang at hayaan ang mga taong tumuklas sa iyong mga narating.


May mga pagkakataon ding masyado na tayong nagiging kampante sa ating mga sarili. Mga pagkakataong punung-puno tayo ng tiwala na kaya nating gawin ang lahat. Sa bandang huli, bigo naman, bigo dahil sa kayabangan. Sa sobrang tiwalang makamit ang mga bagay-bagay ay nakakalimutan na nating daanan ang mga proseso na huhubog sana sa atin sa tamang landas.


Isa rin sa mga aplikasyon ng pagigiging mapagkumababa ay ang paghingi natin ng tawad sa ating mga kasalanan, pagpapaumanhin sa ating mga nasaktan, at pagtanggap ng ating mga pagkakamali. Tandaan na ang ating pagmamamataas (ma-pride) ay hindi ata makatutulong sa ating paglalakbay tungo sa langit. Alam kong hindi madali ang mga ito sapagkat tayo'y magmumukhang talunan kapag ito'y ating ginawa. Ngunit, ang totoo'y tayo ang panalo. Sapagkat nagampanan natin ang nais ng Panginoon - ang pagiging mapagkumbaba.


Marami pang mga halimbawa ang maaaring maihelera kagaya ng mga ito. Ang mahalaga'y maikintal natin sa ating mga puso ang ginawa ng Panginoon bilang isang malaking halimbawa ng pagpapakumbaba. Walang mawawala kung ating susubukas. Pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoon!


Binigyang inspirasyon din ako ng site na ito: http://www.ebibleteacher.com/children/lessons/washfeet.htm


humility Pictures, Images and Photos

Note to God: Lord, thank you for giving me enough knowledge in writing this article. Medyo inaantok na rin po talaga ako kaya parang even I myself ay hindi po masyadong nagustuhan ang sulat ko ;-) Lord, sorry kasi lagi kong pinagmamayabang sa mga friends ko ang mga achievements ko, lalo na po sa Finance na halos araw-araw ko na pong ina-announce sa kanila ang mga high scores ko po. Narealize ko na hindi po pala yun tama. Tingin ko po, it's more appropriate kapag sila po ang nagtatanong kung ano po ang score ko rather than ako po yung nagbobroadcast. Sorry rin po kasi yumabang ako against my Finance classmates. Para pong namaliit ko sila and maliit ang pagtingin ko sa kanila. I know na hindi ko po dapat yun ginagawa. Lord, sorry rin po na feeling ko high ako kasi nasa Ateneo po ako. Pls. help me remind myself na pinapaaral lang po ako ng uncle ko. Sana po ay lagi ko pong maalala na galing din po ako sa public school. Kaugnay po nito, sana, I pray na yung mga students from other schools po ay sana, wag po nilang maliitin ang sarili nila and laging kinocompare sa Ateneo or sa iba pang giant universities. Ang importante po, they're doing their best sa kanilang pag-aaral. Makikita naman po in the end yan kapag nakapagtrabaho na po eh. Sorry Lord kasi yung attitude ko po na para bang ayaw kong umalis ng bahay kapag pangit ang suot ko. Feeling ko po kasi, baka may makakilala sa akin tapos nakapambahay lang po ako. I know na dapat maging humble po ako. Unti-unti po akong magbabago, sa daan na tama at ayon po sa inyong kagustuhan. At sa lahat po ng mga kasalanan na hindi ko po nabanggit (as of 24 April 2011, 5:50 am) na may kaugnayan po sa pagkamayabang, I'm sorry po Lord. Lord, pls. guide me na sana po ay maging tama ang mga decisions ko in life. Guide also po my family, relatives, and lahat po ng mga nangangailangan sa inyo. Lalo na po ang mga nagsusuffer from deep pain, sana po ay hindi po sila mawalan ng pag-asa. I love you Lord. I love you Papa Jesus. I love you Mama Mary. I love you Papa Joseph. Dominican Saints, pray for us.



Follow ejsumatra on Twitter

1 comment:

  1. ITS VERY LONG. SPECIALLY, THE NOTE. But I LOVED READING IT... You have always been an instrument. Sa LAHAT-LAHAT ng taong nasa paligid mooo. Gaya mo, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sapagkat, ibinahagi ka Niya sa amin... (sa AKIN...) GOD BLESS YOU and GOD BLESS THIS BLOG! :)

    ReplyDelete