Pages

Tuesday, May 24, 2011

From the Holy Mass - No Worries

Date: 22 May 2011
Blessed of the day: Blessed Joachima
Occasion: 5th Sunday of Easter
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

Faith Pictures, Images and Photos

Ang linggong ito ay ang Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus. Muli po akong humihingi ng paumanhin sapagkat hindi po ako nakadalo sa banal na misa noong nakaraang linggo.


Ako po ay magpapakatotoo na napakakaunti lang ng naipunlang mabuting balita sa aking isipan sa misang ito. Ang isa sa mga rason ay ang pagkahilo. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na noong Sabado ng gabi ay gumala kami ng aking mga kaibigan at nagkaroon ng inuman at matinding sayawan. Oo, inantok din ako kasi, sabihin na nating masyadong naging mataas ang ekspektasyon ko sa pari na mabibigyang buhay nya ang misa. Ibig kong sabihin, noong nakaraang pagsimba ko kasi ay naging buhay na buhay ang misa sapagkat napakahusay ng pari sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Ngunit, ang mga ito'y hindi naging hadlang upang wala akong matutunan sa misang ito. Hindi ko man masyadong napakinggan ang pari, ay binuksan ko naman nang malaki ang aking puso, at sa puntong ito'y naramramdaman kong tinutulungan ako ng Diyos na maitanim hindi lamang sa isip, kundi maging sa puso ang turo ng simbahan.


Ang natatandaan kong laging sinasabi ng pari ay ang sabi raw ng Panginoon, "Wag kayong mabagabag. Manalig kayo sa Diyos. Manalig kayo sa Akin." Tayong mga tao ay hindi maiwasang mabagabag sa pang-araw-araw nating buhay. Nababagabag tayo sa mga taong nasa paligid natin, nag-aalala tayo sa ating mga mahal sa buhay - Nasaan na kaya sila? Kamusta na kaya sila? Saan kaya kukuha ang ating mga magulang ng pangmatrikula? At marami pang katanungang mahirap sagutin. May mga personal din tayong mga pag-aalala. Kagaya na lamang ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin gayong hindi naman lumalaki ang ating kinikita. May nabanggit din ang pari na tinawag nyang "imaginary troubles". Yun yung mga bagay na parang nakabubuo tayo sa ating mga isipan ng sa tingin natin ay poproblemahin natin sa hinaharap. Dito pa lamang ay bumuo na tayo ng sarili nating problema na hindi naman sana natin dapat ginagawa.


Ang ating mahal na Diyos Anak ay nabagabag din. Kung matatandaan natin ang Huling Hapunan ay napuno ng pagkabagabag ang Panginoon. Sa mga sandaling iyon ay alam Niya kasing Siya po ay pagpapakasakitin ng mga taong itinuring Siyang masama. Ngunit hindi Niya po ito tinalikuran. Hinarap Niya po ito sapagkat naniniwala Siya sa kapangyarihan ng Diyos Ama. Hanggang sa Kanyang huling hininga ay hindi po isinuko ng Panginoon ang kanyang paniniwala sa Diyos Ama. Hindi Siya nabigo sapagkat Siya po'y muling binuhay ng Diyos Ama, dala-dala ang bagong pag-asa. At sa darating na panahon, ay muli Siyang magbabalik dito sa mundo upang husgahan ang mga tao.


Kaya tayong mga tao, manalig po tayo sa Diyos. Kailangan po natin ng ibayong paghihintay at wag po sana tayong maging masyadong demanding. Hindi naman po kasi yan parang isang mahika na sa isang iglap ay mawawala na ang problema. Lagi po nating tandaan ang katagang ito, "If life is perfect, would you still know me (Lord)?" Hindi po tayo pababayaan ng Diyos. Mahal po tayo ng Diyos. Ang lahat ng sakripisyo't pagdurusa ay may kaakibat yan na biyaya. Kung sa tingin po natin ay hindi natin nakamtan ang ganap na kaligayahan, wala pong dapat ipag-alala sapagkat may tahanan ng Diyos na naghihintay sa atin sa kalangitan. Isuko po natin ang ating sarili sa Panginoon. Hindi po sapat ang maniwala lamang, kailangan din po nating manalig at mabuhay nang naaayon sa utos ng Diyos.



Faith In God Pictures, Images and Photos

Note to God: Lord, Lord I'm sorry po kasi hindi po ako nakapagsimba last Sunday at inuna ko pong panoorin yung dance showdown. Sorry din po kasi feeling ko po ay may kulang sa article na ibinahagi ko ngayon. Ako rin po kasi ang may kasalanan kasi inantok po ako eh. Lord God, andami ko pong dapat ipagpasalamat sa Inyo po. Thank you po at naging maayos po in general ang buong summer class ko. Thanks po sa gift of knowledge na binigay Nyo po sa akin. Thanks Lord kasi nakakakuha po ako ng high grades and naging happy po ang family and relatives ko. Lord, kahit na, You know, honest po ako na nag-expect po ako ng too much pero thank you pa rin po kasi naging scholar ako ng Ateneo, kahit hindi po full. Sorry po kasi hindi po ako nakontento at first pero in the end, narealize ko po na siguro may mas nangangailangan pa po talaga ng tulong Nyo kaya sila po yung mga nakakuha ng mas malaking grants sa scholarship. I know naman po Lord na hindi Nyo po ako pababayaan. Lord, thank you po ng sobra sa napakagandang sales ng Sophie Lord. Like, uhm, dahil po sa Sophie ay naging instrument Nyo po ako na makatulong din po sa iba. I mean, You know naman po na dahil sa Sophie ay nakapagpautang po ako sa mga friends ko and ang sarap po pala ng feeling na nakakatulong ka po. I hope Lord na dumating ang araw na hindi na utang, bigay na Lord. Like kung ano po yung mga binigay Nyo po sa akin, hindi ko na po ipauutang, ipamimigay ko na po sa mas nangangailangan. Lord, thank you po kasi, kasi po napapatawa ko po ang mga friends ko. It makes me feel to be your instrument na magbigay ng kasiyahan sa kanila po. We have our own problems naman po and You know Lord, pansamantalang nakakalimutan nila yun 'coz of my punch lines. Thank you po talaga Lord sa talent na ibinigay Niyo sa akin, hindi lang po sa oral communication, kundi pati rin po sa written. Speaking of, thank you Lord kasi nasama po ako sa Ateneo Writers Workshop. Mas mahahasa ko pa po ang writing skills ko po, and of course, mas mapaghuhusayan ko pa po ang pagspread ng good news. Lord, thank you kasi may nakikinig po sa akin everytime na nagsasalita po ako about sa Holy Bible. You know naman Lord na may mga lines na nagpapaconfuse po sa akin, pero I know na in Your time ay maiintindihan ko rin po ito. Salamat po kasi gumaling po ako from my ubo't sipon. Thanks din po sa mga nakasama ko sa party-party even though, super nasaktan ko po talaga Kayo Lord with my not good deeds sa bar last night. Pero kahit na puno po ng, let's say mga naligaw na landas na mga tao dun, kahit po nalasing ako, thankful pa rin po ako kasi tanda ko po na while I'm dancing, alam ko pong kinakausap ko po Kayo with all my heart and nagsorry po ako sa Inyo. I mean You know Lord, kahit nalason ng alcohol ang utak ko, pero ang faith ko po sa inyo ay nandun pa rin. I love you Lord. I love you so much! Thank you Lord at okay po ang family ko. Nananatili pong matatag ang parents ko as well as my siblings. Thank you Lord kasi po, okay po mga relatives ko kahit na may mga problema, pls. give them enough strength para malabanan ang obstacles in life. At sa lahat po ng blessings na hindi ko po na-mention, thank you po Lord. Lord God, I know na, uhm, nahurt po kita masyado. Kahit ako rin po Lord, kinakabahan ako kasi po, parang napapalayo po ako sa Inyo these past few days. Lumalakas ang evil spirit sa mind ko pero nilalabanan ko po talaga ito nang sobra-sobra. Lord, I know na naging immoral ako these days, sorry po talaga. Pls. Lord, ilayo Mo po ako sa temptations Lord. Sorry rin po kasi po, may mga tao pa rin po talaga akong hindi ko po fully ma-forgive. Pero it doesn't mean naman po na walang progress. Of course, it will take time naman po talaga para magpatawad and I know na habang nadaragdagan ang mga araw na ibinibigay Niyo po sa akin, ay unti-unti ko ri po silang napapatawad. Lord, sorry kasi nagbibigay po ako ng worries sa parents ko and sometimes ay nagkakaroon po kami ng misunderstandings. Sorry din po pala Lord kasi po, nagmemention po ako ng Judgement Day kahit na I know na walang nakakaalam kung kelan yun. It seems that, nakisabay lang din po ako sa uso, sorry po Lord. Lord, thank you po at hindi nangyari yung sinasabi nilang Judgement Day nung May 21 po. Sana po Lord ay marealize nila na si God the Father lang po ang nakakaalam kung kelan po talaga ang Judgement Day. Sana po ay ready na po talaga ang mga tao sa Inyo pong pagbabalik. Sorry Lord kasi inapakan ko po yung uod. Sorry po kasi sometimes ay hindi po ako nagiging role model. Sa lahat po ng mga kasalanan na hindi ko nabanggit, sorry po talaga. Lord God, pls. guide me in what I may have set-up to do. Sana po ay gawin Mo po akong laging matatag sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Alam naman po natin na marami talagang hadlang para maspread ko po ang words Mo. Sana po ay tuluy-tuloy pa rin po ang blessings Nyo sa akin. Lord, guide also my family and relatives. Pls. give them good health and long life. Sa lahat din po ng nangangailangan ng Inyong mercy, I hope na hindi po sila mawalan ng faith sa Inyo po. Lord, hear our prayers. Ilayo Niyo po kaming mga tao sa kasalanan. Lord, pls. give my Waya friend, You know na Lord kung sino, strength para po masolve ang big problem na kinakaharap po nila. Lord, thank you po talaga sa mga guardian angels na sinend Niyo po for me. You know Lord, iniisip ko po na sila yung first layer of defense ko laban sa kasamaan. Of course Lord, kayo po ang last kasi nasa heart ko po kayo eh. God is love nga po diba, love is God. Kung gaano ko po pinoprotektahan ang life ko, as well as my heart, ganun ko rin po Kayo pinoprotektahan kasi nasa heart ko po Kayo. Lord, sa mga loved ones ko po na nasa heaven Lord, I just wanna say hi to them and excited na po akong makasama sila Lord. Sa mga nasa purgatory po, pls. purify them and forgive their sins na hindi po nakumpisal. Lord, thanks po sa aking mga living guardian angels, they're my friends! Lagi po silang nandyan for me. I know na sila po yung instrument Niyo para po hindi po ako maligaw ng landas. I hope Lord na we'll continue on helping each other. Sa mga spirits and souls po Lord na hindi po mapalagay, I'm praying for them na sana ay mapunta na sila sa lugar kung saan po sila nararapat and I hope na sa heaven po sila mapupunta. Yun pong mga naghahanap ng justice ay sana mahanap na po nila. Yung mga nagwoworry po sa kanilang mga loved ones here on Earth eh sana i-entrust nalang po nila sa mga mabubuting tao ang problema nila para hindi na po sila mag-alala. And of course Lord, sa mga souls and spirits na wala na po talagang nakakaalala, I'm praying for them po and sana hindi po sila sad kasi I'm here naman po eh, praying for them. Lord, thank you po talaga. Sana ay ma-enlighten na rin po ang lahat ng mga tao. I love you Lord. Dominican Saints, pray for us. St. Francis of Assisi, pray for us. Good morning Mama Mary, I love you. Good morning Papa Jesus, I love you. Good morning Papa Joseph, I love. Group hug... Mwuah! And, Arriba!



Follow ejsumatra on Twitter

Wednesday, May 11, 2011

From the Holy Mass - Against Self-pity

Date: 8 May 2011
Saint of the day: St. Peter of Tarentaise
Occasion: 3rd Sunday of Easter
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

jesus Pictures, Images and Photos

Bago po ang lahat ay humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, at higit sa lahat sa Diyos, sapagkat hindi po ako nakadalo sa Banal na Misa noong ikalawang Linggo ng pagkabuhay ni Hesus. Ang artikulong ito ay magbibigay kaalaman sa inyo sa mga bagay-bagay na natutunan ko sa ikatlong Linggo ng pagkabuhay ni Hesus.


Tulad noong mga nakaraang Linggo sa pagpunta ko sa simbahan, bigo na naman akong makapwesto sa pinakaharap nito. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos at ako'y nabiyayaan pa rin ng magandang pwesto upang mapakinggan ko ang mabuting balita. Ngunit, hindi pa rin tuluyang nawala ang mga balakid sa aking pakikipag-ugnayan sa Panginoon. Ang katabi ko kasi sa dakong kaliwa ay isang ina at kasama nya ang kanyang batang anak. Napakalikot ng bata kaya naman siguro'y noong kalagitnaan ng banal na misa ay napagdesisyonan ng ina na huwag na lamang tapusin ang misa at sila'y tuluyang umalis.


Muli, kagaya ng mga nabanggit ko sa mga nakaraang artikulo na ipinaskil ko sa blog na ito, ay maaaring ako'y magkamali sa mga lugar at taong mababanggit dito. Gayunpaman, dahil naniniwala akong naitanim ko sa aking balintataw ang mga turo ng pari, masasabi kong may isang porsyento na lamang ng probabilidad ng pagkakamali sa artikulong ito.


Narito ang kwento ng pari. Mula sa Herusalem, naglakbay pauwi si Pedro at ang isa pang Apostoles ni Hesus patungo sa Israel. Tinahak nila ang daan na tila ba walang buhay ang kanilang mga mukha. Halata sa kanilang itsura ang matinding kalungkutan na nararamdaman. Sa kanilang paglalakad ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang sanhi ng kanilang kalungkutan - si Hesus. Umuwi silang bigo sapagkat naisip nila na wala ng magliligtas sa kanila dahil si Hesus ay namatay sa krus. Nadama nila ang awa sa kanilang mga sarili at matinding pagkabagabag. Bagama't naging usap-usapan sa Herusalem na muling nabuhay si Hesus, hindi nila ito pinaniwalaan sapagkat hindi naman nila nasaksihan ito. Sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang lalaki. Nakausap nila ito at naging kasama na rin sa mahabang paglalakad. Habang sila'y pauwi ay isinalaysay ng kasama nilang lalaki ang laman ng Lumang Tipan sa Bibliya. Malapit ng magdilim ngunit hindi pa nila natapos ang dalawampu't isang kilometrong paglalakbay. Napagpasyahan ng dalawang Apostoles ni Hesus na ipagpabukas nalang ang kanilang paglalakad at sila'y kakain muna at mamamahinga. Hindi sumang-ayon ang lalaking kasama nila at sinabing kailangan nyang marating ang susunod na bayan. Kinumbinsi ng mga Apostoles na manatali nalang muna ang hindi kilalang lalaki na kasama nila, at sa kabutihang palad ay napapayag nila ito.


Oras na nang hapunan. May hawak na tinapay ang lalaki at hinati-hati niya ito ng dahan-dahan upang maging pantay-pantay ang distribusyon nito. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay tila ba nag-usap ang mga isip ng dalawang Apostoles. At sa napakabilis na reaksyon, ay doon nila napagtanto na ang lalaking kasama nila sa paglalakbay ay si Hesus. Sa isang iglap ay biglang naglaho si Hesus. Hindi na hinintay ng mga Apostoles na sumikat ang araw. Sila'y humarurot pabalik sa Herusalem at doon nila ipinalaganap ang mabuting balita, totoong muling nabuhay ang Panginoon.


Napakagandang mensahe mula sa Bibliya ang aking natutunan sa ikatlong Linggo ng pagkabuhay ni Hesus. Hindi ito malayo sa realidad na umiiral ngayon sa ating lipunan. Alam naman nating lahat na walang perpekto sa mundo. Kung walang perpektong tao, isang konkretong analohiya rin ang pagsasabing walang perpektong buhay o pamumuhay.


Lahat tayo ay nakararanas ng mga paghihirap at mga pagsubok sa ating pang-araw-araw na pakikipagsapalaran sa mundo. Minsan magaan lang at nasosolusyunan natin ito nang mag-isa, minsan ay medyo mabigat at humihingi na tayo ng tulong sa iba, at minsan nama'y binagsakan na tayo ng langit at lupa sa sobrang hirap. Sa mga sandaling lubos tayong nahihirapan at para bang dinudurog ang ating puso't isipan, ay hindi natin maiwasang sumuko at maawa sa ating mga sarili. Sa pagsukong ito ay nagmistulan tayong bulag sa mga katotohanang pilit tayong pinupukaw. Maihahambing din natin ito sa isang kandila na kapares ang apoy upang ito'y makapagbibigay ng liwanag. Sa buhay natin, sa mga sandaling ang pag-asa ay patay, ay kailangan natin ng apoy upang ito'y muling mabuhay. Ngunit, sa sobrang awa natin sa ating mga sarili ay hindi na natin namamalayang tayo na mismo ang pumapatay sa mga mumunting apoy na muli sanang magpapausbong ng panibagong pag-asa sa atin. Kaakibat din ng katotohanang ito ang isang bagay na likas sa ating mga tao. Tulad nga sa kwento, kahit na lubusang nasktan ang mga Apostoles, ay pinag-uusapan pa rin nila ang sanhi ng kanilang pagdurusa.


Hindi ko ito maaaring pasinungalingan sapagkat nangyari na rin ito sa akin. Lubos akong naapektuhan sa pagpanaw ng anghel na si AJ Perez. Yung tipong parang kilala namin ang isa't isa, pero ang katotohana'y ako lang naman ang nakakikilala sa kanya. Kahit na masakit ay ibinabahagi ko ito sa aking mga kaibigan. Marahil siguro'y ang rason ay upang maibsan kahit papaano ang kirot sa aking puso.


Sa nangyari sa mga Apostoles, dahil hindi sila naniwala sa mga usap-usapan sa Herusalem na muling nabuhay sa Hesus, ay nanaig ang matinding kalungkutan sa kanilang mga puso. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi nila napansin, na ang hinahanap-hanap nilang si Hesus ay kaharap na pala nila, hindi lang basta-bastang nakaharap, kundi nakasama pa sa malayong paglalakbay.


Sa buhay natin, kung kailan nais na nating tapusin ang ating buhay, ay hinahanap-hanap natin si Hesus at ipinagsisiksikan natin na hindi natin siya nakikita, tila ba'y natutulog. Ito'y malaking kasinungalingan! Dahil si Hesus ay kasama na natin mula pa sa pinakaumpisa. Hindi tayo kailanman iniwan at iiwan ni Hesus. Kahit sabihin pa nating tayo ang pinakamasama sa mundo, nariyan pa rin si Hesus para gabayan tayo. Wag nating sabihin na hindi tayo mahal ni Hesus dahil nakagawa tayo ng isang malaking pagkakamali, dahil ang pagmamahal sa atin ni Hesus ay walang kapares at walang kondisyon. Alalahanin po sana natin na ibinuwis ni Hesus ang kanyang buhay upang tayo ay maligtas. Sa mga sandaling tila ba'y sumasagi sa isipan natin na tayo'y itinakwil ng Panginoon, pakinggan natin ang ating puso, dahil sa mga sandaling katahimikan ang mananaig, doon natin mapagtatano na si Hesus ay matagal ng kumakatok sa ating dibdib. Dahil sa magulo nating isipan, ang hindi pagtanggap kay Hesus ay hindi na natin namamalayan.


Malinaw na ipinapaalala sa atin na kasalanan ang maawa sa sarili. Yung mga sandaling nasasambit na natin na, "Panginoon, asan na ang mga mahal ko sa buhay? Hirap na hirap na ako. Bakit walang tumutulong sa akin?" Malamang ay hindi na natin napapansin ang mga taong tumutulong sa atin.


Halimbawa rito ay ang sitwasyon kapag ikaw ay namatayan. Oo, masakit yun, sobra! Kung mahina kang uri ng tao, mawawalan ka talaga ng ganang gawin ang mga nakararaming mga bagay. Siguro'y iiyak ka na lamang buong araw at maaawa sa sarili mo. May mga taong makikiramay sa'yo. Karamihan nito'y magsasabi ng, "condolence." Pero, dahil gulung-gulo ang ating diwa ay hindi na natin ito napapahalagahan. Iyon ang malaking pagkakamali natin. Dahil sa mga oras na kailangan natin ng karamay, ay nagpadala na ng mga instrumento ang Panginoong Diyos. Kumatok na ang Panginoon sa ating mga puso, ngunit hindi natin Siya pinatuloy. Ngunit, sa hindi pagpapatuloy ay hindi naman magagalit ang Panginoon sa atin. Muli, wag po nating kalimutan na walang hangganan ang pagmamahal sa atin ng Panginoon. Kakatok at kakatok po Siya, nasa atin na kung patutuluyin ba natin o hindi.


Nais ko lamang din pong idagdag na kaya po naalala ng mga Apostoles na ang Diyos na ang kaharap nila sapagkat ang paghahati ng tinapay ay naganap din po sa Huling Hapunan ni Hesus at ng mga Apostoles bago Siya ipinako sa krus.


Isa ring aral na mapupulot natin sa kwento ay ang kahalagahan ng pagsisimba. Kung matatandaan natin na habang naglalakad sina Hesus ay ibinahagi nya sa mga Apostoles ang laman ng Lumang Tipan sa banal na Bibliya. Ito'y ay upang maliwanagan sila na may bagong pag-asa, na buhay si Hesus. Pagkatapos matanto ng mga Apostoles na tunay ngang buhay si Hesus, ay nagmadali silang tumungo pabalik sa Herusalem upang ipalaganap ang mabuting balita. Sa kasalukuyang panahon ay maihahanay natin ang mga pari ng simbahan sa mga orihinal na Apostoles ni Hesus. Ang mga pari ang nagiging instrumento ng Panginoon upang maipalaganap ang mabuting balita. Kaya naman, sana'y ang magiging dahilan ng ating pagsimba ay upang mas mapalapit tayo sa Panginoon. Huwag po sana tayong magsimba dahil may kakita tayo, o mamamasyal tayo, o kaya'y maganda ang altar o mukhang artista ang pari. Ang simbahan ang tahanan ng Panginoon, igalang po natin ito.


Mga kapatid, mga kapwa anak ng Diyos, hindi pa huli ang lahat upang tayo'y magbago tungo sa mabuting daan. Hindi po natin hawak ang kapalaran. Hindi po natin alam kung hanggan kailan ang itatagal ng kandali ng ating buhay. Isuko natin ang ating mga sarili sa Panginoon, paghingi ng tawad na may ganap na pagsisisi, at pangakong hindi na ito muling mangyayari.



Gods love Pictures, Images and Photos

Note to God: Dear God, unang-una po sa lahat, I just wanna say I'm sorry kasi po hindi po ako nakapagsimba last last Sunday. Second po, sorry rin po kasi hindi po ako nakagaw agad ng article bout sa mga learnings ko sa Holy Mass. Lord God, I have a lot of things to give thanks. Thank you po sa never-ending blessings na binibigay mo sa akin. Thank you po sa good grades and good class standing. Thank you po sa mataas na sales ng Sophie. Thank you po at nakasali ako sa Ateneo Writers Workshop. Of course po, ang forever kong mamahalin na 2MK-A na section, thank you po talaga and nasa 1st section po ako. Thanks po at dumarami na po ang friends ko sa current division ko na BM, and syempre po, nanjan pa rin po ang mga friends ko from SSE. Okay po, uhm, hindi po talaga mawala sa isip ko ang nangyari last Monday with my friends. Parang ugh, bakit hindi po nila maintindihan ang point ko? Like, when pa sila magbabago for the better? Gusto ko lang naman po silang masave sa Judgement Day eh kaya ko po sila laging nireremind sa mga values and will Nyo po na dapat sana'y always nakatatak po sa mind nila, sa mind namin. Okay lang po yun, sabi naman po kasi nila eh may faith naman po sila sa Inyo and pagbabago nila ay slowly but surely naman daw po. Thank you po and natulungan ko si Mikko, my friend, na ma-enlighten. It feels good po pala talaga na nagbubunga ang mga super effort mo kasi nakita ko po kay Mikko na she's changing na po for You. Lord, I know na these past few days ay parang napapalayo po ako sa inyo ng kaunti. Pls. always teach me to be humble. Sorry po kasi I know na, parang nagiging mayabang ulit ako at parang hindi na nakontento sa grade na 87. Sorry kasi I crumpled my paper po in Macroeconomics nung makita ko na 87 ang grade ko for midterm. Narealize ko po nasa ay naging thankful nalang dapat ako kasi nga line of 7 yung iba kong classmates eh. Sorry kasi napagmayabangan ko ang mga PolSci friends ko with my prelim grades, ugh, andami kong kasalanan Lord. Sorry for hurting You. Sorry Lord kasi nakakalimutan kong maging isang role model sa mga students like nagtetext po ako sa klase, hindi po ako nagpapa-attendance sa PhilCon, minsan inaantok po ako sa room, atbp. I hope Lord na you'll forgive me and mabigyan po sana ako ng enough time para mabago ko po ang mga ito. You know what Lord, naalala ko yung isa kong Fb friend na kahit hindi ko siya kilala personally, nagPM sya sa akin sa Fb and she said na idol nya raw po ako. I wondered why and sabi nya po ay the way daw po ako magsulat ng mga articles. Lord, double thanks. Una po, dahil may mga taong nagmamahal sa akin kahit hindi ko talaga sila kilala. Ang sarap po pala ng feeling na iniidilo ka ng mga tao. Parang it inspires me po to do more. Kumbaga po, isa po sila sa mga reasons kung bakit gusto ko pang mabuhay. Lord sana, sana po ay I can have more time here on Earth para maka-inspire pa po ako ng maraming tao and ma-spread ko pa po ang words Nyo po. Pangalawa po Lord, thank you po talaga sa gift of writing skills na iginawad nyo po sa akin. Thank you po kasi through this ay nagiging instrument nyo po ako sa mga tao. Lord, sana po ay ma-grant sa akin ang scholarship. You know naman po na tagilid talaga kami ngayon financially and I want to stay po talaga in Ateneo. Lord, sana po ma-scholar ako. Hindi ko pa po kayang magplano ng student life outside Ateneo. Lord, sana po ay tuluy-tuloy ang ang mga blessings na dumarating sa life ko, at sa aming family. Sana po ay gabayan Mo po ako sa pagspread ng good news about You po kasi baka erroneous ang mga pinagsasabi ko edi mas lalo pa po akong naging makasalanan. Ilayo mo po ako sa mga temptations. Thank you po pala kasi napipigilan ko na ang sarili ko na kiligin, kung kikiligin man po ako ay iba po ngayon kasi kinikimkim ko nalang po. Lord, You know naman po siguro kung bakit ko po pinipigilan ang sarili ko na kiligin. There saying na Judgement Day na raw po sa May 21. Ako po, nasa gitna lang. Naniniwala po kasi ako na walang nakakaalam kung kelan talaga tayo magtatapos kasi Ikaw lang po ang nakakaalam nun. Kung totoo man pong May 21, sana po ay ready kami, kaming mga anak nyo po. In behalf of the world human population, sana po ay patawarin nyo kami sa aming mga sala Lord. Lord God, thank you po sa mga friends ko na laging nandyan for me. Tulad nga po ng lagi kong sinasabi, sila po ang aking mga living guardian angels kasi po, nagtutulungan po kami tungo sa matuwid na daan. Lord, pls. give my family enough strength in facing obstacles in life. Sana po ay lahat ng mga mahal ko sa buhay ay laging okay. Sa mga in need po of Your help, sana ay wag po silang sumuko kasi in Your time po, I know na everything will be okay. I just wanna say hi sa mga guardian angels ko po jan sa heaven, my lolos, lolas, mga sumakabilang buhay ko po na mga friends like Rhea Axalan, sa tatay po ni Sef, sa uncle ko po, kay AJ Perez at sa lahat ng mga nagbabantay sa akin. Lord I'm praying na yung mga nasa purgatory po ay ma-purify po sila and makasama nyo po sila sa heaven. Sa mga souls and spirits na wala na pong nakaalala, from the bottom of my heart, I'm praying for them po. Thank you Lord! Dominican Saints, pray for us. St. Francis of Assisi, pray for us. I love you Mama Mary, I love you Papa Jesus, I love you Papa Joseph, and arriba!



Follow ejsumatra on Twitter

Monday, May 2, 2011

Para sa Mga (at Magiging Mga) Magulang

Holy Fam Pictures, Images and Photos

Kung paano tayo hinubog ng nakaraan, apektado ang ating pamumuhay sa kasalukuyan.


Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata, ngunit hindi lahat ay pinalad na maranasan ang kasiyahang idinulot ng pagiging bata. May mga batang iniwan ng kanilang mga magulang sa murang edad, meron din namang, sabihin na lamang nating may pisikal na presensya ngunit wala ang tunay na esensiya ng pagiging magulang. Ako, na lumaki na may pamilyang nag-aaruga, ay mapalad sapagkat binalot ako ng pagmamahal ng aking mga magulang at protektado ako ng kanilang mga dasal.


Pagdarasal. Gabi-gabi namin itong ginagawa ng aking ina bago kami matulog. Sariwa pa sa aking alaala kung paano ko nakabisado ang "The Lord's Prayer." Pautal-utal pa ako noon at minsa'y tinatamad na ring magdasal. Sa mga sandali kasing iyong ay hindi ko pa alam kung gaano ka makapangyarihan ang aking ginagawa, ang pagdarasal. Ngunit hindi sumuko ang aking mga magulang. Tanda ko pay nagdagdag pa ang aking ina ng mga santo at sinasabi naming "pray for us" sa bawat pagsambit ng mga ito. Ganitong eksena ang kumintal sa aking mga alala kung paano ko tinutuldukan ang bawat gabi ng aking pagkabata.


Sa aking paglaki ay natutunan ko ring magdasal mag-isa. Bunga ito na matiyagang paggabay sa akin ng aking mga magulang kung paano ang wastong pagdarasal. Natutunan ko rin ang marami pang mga dasal, ang pagrorosaryo, at ang mga personal na panalangin.


Maraming mga balakid ang kasalukuyang umiiral sa mundong ating ginagalawan. Nariyan na ang mga bagay na susubok sa katatagan ng ating paniniwala sa Diyos at Inang Maria. Makapapanood tayo ng mga palabas sa telebisyon at sa sinehan ng mga eksenang hindi natin maitatangging mapagdududahan natin ang Poong Maykapal. May mga artikulo tayong mababasa na makakapagpalito sa ating kasalukuyang paniniwala. May mga musika tayong mapapakinggan na makakapagpabulag sa atin sa tunay na kahulugan.


Oo, maging ako ay biktima ng mga ito. Hindi ko maitatangging minsa'y naimpluwensyahan ni Satanas ang aking pag-iisip. Ngunit, ang mga ito'y panandalian lamang sapagkat sa bandang huli'y nanaig pa rin ang kapangyarihan ng pagmamahal ko sa Diyos. Tila nagkaisa ang aking mga naitanim na mga paniniwala dito sa aking puso, at ito'y nagsilbing prokteksyon ko laban sa mga masasamang elementong nagkalat sa paligid. May mga pagkakataon pa ring tila dinadalaw ng temptasyon ang aking puso't isipan. Sa kasalukuyang kong laban na ito, laban ng kasamaan at kabutihan, ay naging kaunti na lamang ang partisipasyon ng aking mga magulang. Marahil ay kasama na ito sa proseso ng paghahanda sa aking sarili, sa ating mga sarili, na tayo'y magiging mga magulang na rin sa ilang mga taon, kagaya nila. Ito ay kabilang na sa pagdedebelop ng wastong pagdedesisyon sa ating buhay.


Ang punto? Lahat tayo ay may pagkakataong maging mga magulang, o kung hindi man, lahat tayo ay may kapangyarihang magpalaganap ng mabubuting aral ng Diyos. Bata pa lamang ay hubugin na natin ang ating mga anak sa buhay na may takot sa Diyos. Turuan natin sila ng wastong pagdarasal, at wastong asal. Ipaunawa natin ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Ipaalala natin ang mga sakripisyong ginawa ng Diyos, ang maligtas ang sangkatauhan.


Tulad nga ng aking karanasan, kapag lumaki na ang mga bata'y mahihirapan na tayong madisiplina sila. Hindi na natin hawak ang kanilang kapalaran sa kanilang paglaki. Mapapadpad sila sa mga lugar na hindi na natin saklaw. Makakikilala sila nga mga taong hindi natin alam ang impluwensyang dala sa kanila. Makatatagpo sila ng mga pagsubok na hindi na natin na namamalayang matagal na nilang dinaramdam.


Mas maaga, mas mabuti. Hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ng Panginoong Hesus. Kung alam natin, nating mga magulang sa hinaharap, na naipamana natin sa kanila ang mga turo ng Diyos, ay lilisanin natin ang mundo nang walang pag-aalala.



The Family That Prays Together Stays Together Pictures, Images and Photos

Follow ejsumatra on Twitter