Pages

Tuesday, May 24, 2011

From the Holy Mass - No Worries

Date: 22 May 2011
Blessed of the day: Blessed Joachima
Occasion: 5th Sunday of Easter
Location: San Pedro Cathedral Parish, Davao City, Philippines

Faith Pictures, Images and Photos

Ang linggong ito ay ang Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus. Muli po akong humihingi ng paumanhin sapagkat hindi po ako nakadalo sa banal na misa noong nakaraang linggo.


Ako po ay magpapakatotoo na napakakaunti lang ng naipunlang mabuting balita sa aking isipan sa misang ito. Ang isa sa mga rason ay ang pagkahilo. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na noong Sabado ng gabi ay gumala kami ng aking mga kaibigan at nagkaroon ng inuman at matinding sayawan. Oo, inantok din ako kasi, sabihin na nating masyadong naging mataas ang ekspektasyon ko sa pari na mabibigyang buhay nya ang misa. Ibig kong sabihin, noong nakaraang pagsimba ko kasi ay naging buhay na buhay ang misa sapagkat napakahusay ng pari sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Ngunit, ang mga ito'y hindi naging hadlang upang wala akong matutunan sa misang ito. Hindi ko man masyadong napakinggan ang pari, ay binuksan ko naman nang malaki ang aking puso, at sa puntong ito'y naramramdaman kong tinutulungan ako ng Diyos na maitanim hindi lamang sa isip, kundi maging sa puso ang turo ng simbahan.


Ang natatandaan kong laging sinasabi ng pari ay ang sabi raw ng Panginoon, "Wag kayong mabagabag. Manalig kayo sa Diyos. Manalig kayo sa Akin." Tayong mga tao ay hindi maiwasang mabagabag sa pang-araw-araw nating buhay. Nababagabag tayo sa mga taong nasa paligid natin, nag-aalala tayo sa ating mga mahal sa buhay - Nasaan na kaya sila? Kamusta na kaya sila? Saan kaya kukuha ang ating mga magulang ng pangmatrikula? At marami pang katanungang mahirap sagutin. May mga personal din tayong mga pag-aalala. Kagaya na lamang ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin gayong hindi naman lumalaki ang ating kinikita. May nabanggit din ang pari na tinawag nyang "imaginary troubles". Yun yung mga bagay na parang nakabubuo tayo sa ating mga isipan ng sa tingin natin ay poproblemahin natin sa hinaharap. Dito pa lamang ay bumuo na tayo ng sarili nating problema na hindi naman sana natin dapat ginagawa.


Ang ating mahal na Diyos Anak ay nabagabag din. Kung matatandaan natin ang Huling Hapunan ay napuno ng pagkabagabag ang Panginoon. Sa mga sandaling iyon ay alam Niya kasing Siya po ay pagpapakasakitin ng mga taong itinuring Siyang masama. Ngunit hindi Niya po ito tinalikuran. Hinarap Niya po ito sapagkat naniniwala Siya sa kapangyarihan ng Diyos Ama. Hanggang sa Kanyang huling hininga ay hindi po isinuko ng Panginoon ang kanyang paniniwala sa Diyos Ama. Hindi Siya nabigo sapagkat Siya po'y muling binuhay ng Diyos Ama, dala-dala ang bagong pag-asa. At sa darating na panahon, ay muli Siyang magbabalik dito sa mundo upang husgahan ang mga tao.


Kaya tayong mga tao, manalig po tayo sa Diyos. Kailangan po natin ng ibayong paghihintay at wag po sana tayong maging masyadong demanding. Hindi naman po kasi yan parang isang mahika na sa isang iglap ay mawawala na ang problema. Lagi po nating tandaan ang katagang ito, "If life is perfect, would you still know me (Lord)?" Hindi po tayo pababayaan ng Diyos. Mahal po tayo ng Diyos. Ang lahat ng sakripisyo't pagdurusa ay may kaakibat yan na biyaya. Kung sa tingin po natin ay hindi natin nakamtan ang ganap na kaligayahan, wala pong dapat ipag-alala sapagkat may tahanan ng Diyos na naghihintay sa atin sa kalangitan. Isuko po natin ang ating sarili sa Panginoon. Hindi po sapat ang maniwala lamang, kailangan din po nating manalig at mabuhay nang naaayon sa utos ng Diyos.



Faith In God Pictures, Images and Photos

Note to God: Lord, Lord I'm sorry po kasi hindi po ako nakapagsimba last Sunday at inuna ko pong panoorin yung dance showdown. Sorry din po kasi feeling ko po ay may kulang sa article na ibinahagi ko ngayon. Ako rin po kasi ang may kasalanan kasi inantok po ako eh. Lord God, andami ko pong dapat ipagpasalamat sa Inyo po. Thank you po at naging maayos po in general ang buong summer class ko. Thanks po sa gift of knowledge na binigay Nyo po sa akin. Thanks Lord kasi nakakakuha po ako ng high grades and naging happy po ang family and relatives ko. Lord, kahit na, You know, honest po ako na nag-expect po ako ng too much pero thank you pa rin po kasi naging scholar ako ng Ateneo, kahit hindi po full. Sorry po kasi hindi po ako nakontento at first pero in the end, narealize ko po na siguro may mas nangangailangan pa po talaga ng tulong Nyo kaya sila po yung mga nakakuha ng mas malaking grants sa scholarship. I know naman po Lord na hindi Nyo po ako pababayaan. Lord, thank you po ng sobra sa napakagandang sales ng Sophie Lord. Like, uhm, dahil po sa Sophie ay naging instrument Nyo po ako na makatulong din po sa iba. I mean, You know naman po na dahil sa Sophie ay nakapagpautang po ako sa mga friends ko and ang sarap po pala ng feeling na nakakatulong ka po. I hope Lord na dumating ang araw na hindi na utang, bigay na Lord. Like kung ano po yung mga binigay Nyo po sa akin, hindi ko na po ipauutang, ipamimigay ko na po sa mas nangangailangan. Lord, thank you po kasi, kasi po napapatawa ko po ang mga friends ko. It makes me feel to be your instrument na magbigay ng kasiyahan sa kanila po. We have our own problems naman po and You know Lord, pansamantalang nakakalimutan nila yun 'coz of my punch lines. Thank you po talaga Lord sa talent na ibinigay Niyo sa akin, hindi lang po sa oral communication, kundi pati rin po sa written. Speaking of, thank you Lord kasi nasama po ako sa Ateneo Writers Workshop. Mas mahahasa ko pa po ang writing skills ko po, and of course, mas mapaghuhusayan ko pa po ang pagspread ng good news. Lord, thank you kasi may nakikinig po sa akin everytime na nagsasalita po ako about sa Holy Bible. You know naman Lord na may mga lines na nagpapaconfuse po sa akin, pero I know na in Your time ay maiintindihan ko rin po ito. Salamat po kasi gumaling po ako from my ubo't sipon. Thanks din po sa mga nakasama ko sa party-party even though, super nasaktan ko po talaga Kayo Lord with my not good deeds sa bar last night. Pero kahit na puno po ng, let's say mga naligaw na landas na mga tao dun, kahit po nalasing ako, thankful pa rin po ako kasi tanda ko po na while I'm dancing, alam ko pong kinakausap ko po Kayo with all my heart and nagsorry po ako sa Inyo. I mean You know Lord, kahit nalason ng alcohol ang utak ko, pero ang faith ko po sa inyo ay nandun pa rin. I love you Lord. I love you so much! Thank you Lord at okay po ang family ko. Nananatili pong matatag ang parents ko as well as my siblings. Thank you Lord kasi po, okay po mga relatives ko kahit na may mga problema, pls. give them enough strength para malabanan ang obstacles in life. At sa lahat po ng blessings na hindi ko po na-mention, thank you po Lord. Lord God, I know na, uhm, nahurt po kita masyado. Kahit ako rin po Lord, kinakabahan ako kasi po, parang napapalayo po ako sa Inyo these past few days. Lumalakas ang evil spirit sa mind ko pero nilalabanan ko po talaga ito nang sobra-sobra. Lord, I know na naging immoral ako these days, sorry po talaga. Pls. Lord, ilayo Mo po ako sa temptations Lord. Sorry rin po kasi po, may mga tao pa rin po talaga akong hindi ko po fully ma-forgive. Pero it doesn't mean naman po na walang progress. Of course, it will take time naman po talaga para magpatawad and I know na habang nadaragdagan ang mga araw na ibinibigay Niyo po sa akin, ay unti-unti ko ri po silang napapatawad. Lord, sorry kasi nagbibigay po ako ng worries sa parents ko and sometimes ay nagkakaroon po kami ng misunderstandings. Sorry din po pala Lord kasi po, nagmemention po ako ng Judgement Day kahit na I know na walang nakakaalam kung kelan yun. It seems that, nakisabay lang din po ako sa uso, sorry po Lord. Lord, thank you po at hindi nangyari yung sinasabi nilang Judgement Day nung May 21 po. Sana po Lord ay marealize nila na si God the Father lang po ang nakakaalam kung kelan po talaga ang Judgement Day. Sana po ay ready na po talaga ang mga tao sa Inyo pong pagbabalik. Sorry Lord kasi inapakan ko po yung uod. Sorry po kasi sometimes ay hindi po ako nagiging role model. Sa lahat po ng mga kasalanan na hindi ko nabanggit, sorry po talaga. Lord God, pls. guide me in what I may have set-up to do. Sana po ay gawin Mo po akong laging matatag sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Alam naman po natin na marami talagang hadlang para maspread ko po ang words Mo. Sana po ay tuluy-tuloy pa rin po ang blessings Nyo sa akin. Lord, guide also my family and relatives. Pls. give them good health and long life. Sa lahat din po ng nangangailangan ng Inyong mercy, I hope na hindi po sila mawalan ng faith sa Inyo po. Lord, hear our prayers. Ilayo Niyo po kaming mga tao sa kasalanan. Lord, pls. give my Waya friend, You know na Lord kung sino, strength para po masolve ang big problem na kinakaharap po nila. Lord, thank you po talaga sa mga guardian angels na sinend Niyo po for me. You know Lord, iniisip ko po na sila yung first layer of defense ko laban sa kasamaan. Of course Lord, kayo po ang last kasi nasa heart ko po kayo eh. God is love nga po diba, love is God. Kung gaano ko po pinoprotektahan ang life ko, as well as my heart, ganun ko rin po Kayo pinoprotektahan kasi nasa heart ko po Kayo. Lord, sa mga loved ones ko po na nasa heaven Lord, I just wanna say hi to them and excited na po akong makasama sila Lord. Sa mga nasa purgatory po, pls. purify them and forgive their sins na hindi po nakumpisal. Lord, thanks po sa aking mga living guardian angels, they're my friends! Lagi po silang nandyan for me. I know na sila po yung instrument Niyo para po hindi po ako maligaw ng landas. I hope Lord na we'll continue on helping each other. Sa mga spirits and souls po Lord na hindi po mapalagay, I'm praying for them na sana ay mapunta na sila sa lugar kung saan po sila nararapat and I hope na sa heaven po sila mapupunta. Yun pong mga naghahanap ng justice ay sana mahanap na po nila. Yung mga nagwoworry po sa kanilang mga loved ones here on Earth eh sana i-entrust nalang po nila sa mga mabubuting tao ang problema nila para hindi na po sila mag-alala. And of course Lord, sa mga souls and spirits na wala na po talagang nakakaalala, I'm praying for them po and sana hindi po sila sad kasi I'm here naman po eh, praying for them. Lord, thank you po talaga. Sana ay ma-enlighten na rin po ang lahat ng mga tao. I love you Lord. Dominican Saints, pray for us. St. Francis of Assisi, pray for us. Good morning Mama Mary, I love you. Good morning Papa Jesus, I love you. Good morning Papa Joseph, I love. Group hug... Mwuah! And, Arriba!



Follow ejsumatra on Twitter

No comments:

Post a Comment