Pages

Monday, May 2, 2011

Para sa Mga (at Magiging Mga) Magulang

Holy Fam Pictures, Images and Photos

Kung paano tayo hinubog ng nakaraan, apektado ang ating pamumuhay sa kasalukuyan.


Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata, ngunit hindi lahat ay pinalad na maranasan ang kasiyahang idinulot ng pagiging bata. May mga batang iniwan ng kanilang mga magulang sa murang edad, meron din namang, sabihin na lamang nating may pisikal na presensya ngunit wala ang tunay na esensiya ng pagiging magulang. Ako, na lumaki na may pamilyang nag-aaruga, ay mapalad sapagkat binalot ako ng pagmamahal ng aking mga magulang at protektado ako ng kanilang mga dasal.


Pagdarasal. Gabi-gabi namin itong ginagawa ng aking ina bago kami matulog. Sariwa pa sa aking alaala kung paano ko nakabisado ang "The Lord's Prayer." Pautal-utal pa ako noon at minsa'y tinatamad na ring magdasal. Sa mga sandali kasing iyong ay hindi ko pa alam kung gaano ka makapangyarihan ang aking ginagawa, ang pagdarasal. Ngunit hindi sumuko ang aking mga magulang. Tanda ko pay nagdagdag pa ang aking ina ng mga santo at sinasabi naming "pray for us" sa bawat pagsambit ng mga ito. Ganitong eksena ang kumintal sa aking mga alala kung paano ko tinutuldukan ang bawat gabi ng aking pagkabata.


Sa aking paglaki ay natutunan ko ring magdasal mag-isa. Bunga ito na matiyagang paggabay sa akin ng aking mga magulang kung paano ang wastong pagdarasal. Natutunan ko rin ang marami pang mga dasal, ang pagrorosaryo, at ang mga personal na panalangin.


Maraming mga balakid ang kasalukuyang umiiral sa mundong ating ginagalawan. Nariyan na ang mga bagay na susubok sa katatagan ng ating paniniwala sa Diyos at Inang Maria. Makapapanood tayo ng mga palabas sa telebisyon at sa sinehan ng mga eksenang hindi natin maitatangging mapagdududahan natin ang Poong Maykapal. May mga artikulo tayong mababasa na makakapagpalito sa ating kasalukuyang paniniwala. May mga musika tayong mapapakinggan na makakapagpabulag sa atin sa tunay na kahulugan.


Oo, maging ako ay biktima ng mga ito. Hindi ko maitatangging minsa'y naimpluwensyahan ni Satanas ang aking pag-iisip. Ngunit, ang mga ito'y panandalian lamang sapagkat sa bandang huli'y nanaig pa rin ang kapangyarihan ng pagmamahal ko sa Diyos. Tila nagkaisa ang aking mga naitanim na mga paniniwala dito sa aking puso, at ito'y nagsilbing prokteksyon ko laban sa mga masasamang elementong nagkalat sa paligid. May mga pagkakataon pa ring tila dinadalaw ng temptasyon ang aking puso't isipan. Sa kasalukuyang kong laban na ito, laban ng kasamaan at kabutihan, ay naging kaunti na lamang ang partisipasyon ng aking mga magulang. Marahil ay kasama na ito sa proseso ng paghahanda sa aking sarili, sa ating mga sarili, na tayo'y magiging mga magulang na rin sa ilang mga taon, kagaya nila. Ito ay kabilang na sa pagdedebelop ng wastong pagdedesisyon sa ating buhay.


Ang punto? Lahat tayo ay may pagkakataong maging mga magulang, o kung hindi man, lahat tayo ay may kapangyarihang magpalaganap ng mabubuting aral ng Diyos. Bata pa lamang ay hubugin na natin ang ating mga anak sa buhay na may takot sa Diyos. Turuan natin sila ng wastong pagdarasal, at wastong asal. Ipaunawa natin ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Ipaalala natin ang mga sakripisyong ginawa ng Diyos, ang maligtas ang sangkatauhan.


Tulad nga ng aking karanasan, kapag lumaki na ang mga bata'y mahihirapan na tayong madisiplina sila. Hindi na natin hawak ang kanilang kapalaran sa kanilang paglaki. Mapapadpad sila sa mga lugar na hindi na natin saklaw. Makakikilala sila nga mga taong hindi natin alam ang impluwensyang dala sa kanila. Makatatagpo sila ng mga pagsubok na hindi na natin na namamalayang matagal na nilang dinaramdam.


Mas maaga, mas mabuti. Hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ng Panginoong Hesus. Kung alam natin, nating mga magulang sa hinaharap, na naipamana natin sa kanila ang mga turo ng Diyos, ay lilisanin natin ang mundo nang walang pag-aalala.



The Family That Prays Together Stays Together Pictures, Images and Photos

Follow ejsumatra on Twitter

No comments:

Post a Comment